Anniversary
I have a long-time girlfriend. Her name is Hiraya. We've been together for almost 7 years now.
"Ethan!" rinig kong tawag sa 'kin ni Hiraya.
I looked to the front door of my house only to see her crying. Why is my girl crying?
"Hiraya! Hey babe, why? What happened?"
"Si Tita... s-she-" hindi na nya natapos ang sasabihin dahil sa kakaiyak.
"Hush now, babe. I'm here. Shh." I caressed her back to calm her.
Ilang saglit pa ay tumigil na siya sa kakaiyak. I liften her chin up. "Ano nangyari? Anong ginawa ng tita mo?" mahinahon kong tanong sa kanya.
Tinignan nya ako gamit ang malulungkot na mata. "A-Ako pa rin ang s-sinisisi nya sa pagkamatay n-ni mama pati sa pagiging l-lasinggero ni p-papa," she replied in between her sobs.
I hate this feeling. Gustong gusto ko saluhin lahat ng sakit pero... wala akong magawa.
"H-Hindi ko naman g-ginusto na ma-kidnap at m-muntikang ma-rape. H-Hindi ko ginusto na mamatay si mama dahil sa kakaalala sa 'kin. Pero baka tama nga si tita. K-Kasalanan ko ang l-lahat." Hindi pa rin siya natigil sa kahihikbi. Pulang-pula na rin ang mga mata niya dahil sa kakaiyak.
Inatake sa puso ang mama niya dahil sa biglaang pagkawala ni Hiraya. Muntikan na siyang mapagsamantalahan ng gabing 'yon kung hindi lang siya nakatakas. Dahil sa nangyari, naging mabisyo ang tatay niya at sa kanya isinisi ang lahat ng mga nangyari.
"Shh. Wala kang kasalanan. Tahan na babe."
I'm sorry babe, wala akong magawa.
Kinabukasan ay ako naman ang bumisita sa bahay ni Hiraya. Nadatnan kong magulo ang bahay, naglasing na naman siguro ang tatay ni Hiraya. Tinawag ko si Hiraya pero walang sumagot. Imposibleng umalis si Hiraya kaya hinanap ko siya sa bahay. Pumasok ako sa kuwarto nya at nakita ko siyang umiiyak. Napansin ko rin na maraming pasa at sugat si Hiraya. Kahapon lang ay wala pa ang mga 'to.
Nang makita niya ako ay kumaripas siya ng takbo para yakapin ako. Rinig ko ang mga hikbi nya sa pagitan ng aming mga yakap.
"Hiraya, sino ang g-gumawa nito sa'yo?" I looked intently to her eyes and I couldn't see anything but pain.
"Si Papa. inawat ko kasi siya sa pag-iinom nya. P-Pero n-nagwala siya." She bit her lower lip and looked down. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Ethan. Pagod na 'ko. Ayoko na."
"Shhh. No, Hiraya. K-Kaya mo 'to. Nandito ako, kakayanin natin 'to." I can't help myself but to cry. Hindi ko kayang makita nang ganito si Hiraya.
Dumaan ang nga araw. Gano'n pa rin ang sistema. Araw-araw pa ring umiiyak si Hiraya. Halos hindi na rin siya kumakain. Ngayong araw ay pupuntahan ko muli si Hiraya. I brought fruits and gifts for her. Of course, this day is special. It's our 7th anniversary.
"Hiraya, babe I'm here," malambing kong tawag sa kanya. I knocked to her door but I did not hear any response. Tulog pa siguro.
I decided to just enter her room. "Babe pum-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita ko siya.
Humagulgol ako ng iyak. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Sobrang sakit na makita siya sa ganitong sitwasyon. She hung herself. She didn't make it through. Masyado na siyang napagod sa mga nangyari.
Para akong naestatwa. I can't even move my feet. My heart were shattered into pieces to see her dead. Akala ko lalaban pa kami... pero sumuko na siya. She left me on our anniversary.
"Hiraya, bakit? A-Akala ko s-sabay natin haharapin 'yong p-problema? Bakit mo 'ko iniwan?" halos wala na akong makita dahil sa kakaiyak. Yakap ko ngayon ang malamig niyang bangkay. Ilang saglit pa ay dumating ang tatay niya.
"H-Hiraya? Anak, bakit? S-Sorry anak, gumising ka na dyan!" humagulgol na rin ang tatay niya.
Lumabas muna ako para bigyang daan ang tatay ni Hiraya.
"Ethan, nakita ko sa gamit ni Hiraya. Para sa'yo yata 'yan." Iniabot niya sa 'kin ang isang papel.
Tinanggap ko ito at nagpasalamat. Binuksan ko rin agad ang papel at binasa.
Ethan, habang binabasa mo ito ay malamang wala na ako. Pasensya ka na, babe. Pagod na pagod na kasi ako. Hindi ko na kaya. Hindi ako pinatulog ng gabing 'yon. Sa tuwing pipikit ako, naaalala ko 'yun naranasan ko sa kamay ng mga hayop na 'yon. Hindi ko rin kaya mabuhay na alam kong namatay si mama dahil sa'kin.
Pero babe, salamat sa lahat. Sa pag-aalaga, pag-intindi, lalo na sa pagmamahal mo. Alam kong masasaktan ka pero sana maging masaya ka para sa'kin. Pinalalaya na rin kita. Humanap ka ng babae na hindi ka iiwan, hindi tulad ng ginawa ko.
May hiling lang ako sa'yo. Huwag mo ako kalilimutan, ha? Kahit pa magmahal ka ng iba, huwag mo lang ako tuluyang kalimutan. Pati si papa pakibantayan, ha? Mahal na mahal kita, Ethan. Hanggang sa huling hininga ko, ikaw lang ang minahal ko.Advance Happy Anniversary, babe! Sorry kung 'di na ako makakasama mag-celebrate.
Hanggang sa muli,
HirayaHiraya, masakit man pero kailangan kong tanggapin ang nangyari. Wala nang sakit dyan. Malaya ka na sa lahat ng sakit, mahal ko. Hinding-hindi kita kalilimutan at kahit na anong mangyari, ikaw lang ang iibigin ko.
"Dalawang taon na rin pala ang nakalipas simula nang lumisan ka, Hiraya," bulong ko habang nakaharap sa puntod niya. "Masakit pa rin pero kahit papaano masaya ako sa tuwing naiisip ko na payapa ka na dyan sa itaas."
Pinunasan ko ang mga kumawalang luha sa mga mata ko. Huminga ako nang malalim. "Happy 9th anniversary, mahal," saad ko bago maramdaman ang pagyakap sa 'kin ng malamig na hangin.
BINABASA MO ANG
Glimpse of my Imagination
Fiksi RemajaA compilation of my one shot stories Disclaimer: This compilation is unedited and I wrote these when I was still on elementary. This is a work of fiction and any resemblance to actual person, place or events is pure coincidence.