Chapter Four

4 0 0
                                    

Chapter Four

Cean

Saktong sakto naman ang pagpunta ko sa restaurant na ito kahit na hindi ko talaga trip na sumama. Hindi ko inaasahan na pati ba naman rito ay nag pa-part time job ang babaeng ‘yon. Ibang klase ang kasipagan niya, mukha naman silang may kaya dahil may kalakihan ang apartment nila at nakakapag aral siya sa private school, base sa kwento ni Master Dave. Ngunit ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit napaka sipag niyang magtrabaho. Nasaan kaya ang nanay niya? Hindi ko naitanong kay Master Dave dahil kahapon ko lang din nalaman na siya pala ang kaisa-isa niyang anak na nagbibigay inspirasyon kay Master Dave sa pagsusulat ng kanta. Malaki talaga ang paghanga ko sa tatay niya, mas magaling sumulat ng kanta kaysa kay Owen. Puro pag ibig na bigo kasi ang sinusulat ng lalaking iyon, pero pag dating kay Master ibang-iba, kaya naisip naming tugtugin ang mga kanta niya.

Tinext ko si Avery matapos ang rehearsal namin para sa bagong kantang isinulat ni Owen. Tototohanin ko talagang sabihin sa Tatay niya ang nililihim niya kapag hindi siya pumayag sa inaalok ko. Kung tutuusin wala namang masama sa proposal ko, gusto ko lang tumulong. I really need her help to get rid of Stephanie. Kailangan ko ng umuwi sa weekend dahil kung'di, tiyak na hindi ako padadalhan ng allowance ni Daddy.

"Hey, off mo na ba?"  Text ko sa kanya. Matapos ang ilang segundo'y nakatanggap na ko ng reply.

"Bakit? Tigilan mo nako ha!" reply niya. Hanggang dito ba naman tinatarayan ako ng babaeng ito, pwes! Wala kang magagawa.

"Alam ko ang bahay mo, kaya't sa ayaw mo't sa gusto magkikita tayo!" Sumakay na ko sa kotse at dumiretso sa pizza parlor kanina, kahit na hindi ko nagustuhan ang reply niya, hindi pa rin nag bago ang plano kong ihatid siya sa bahay. Minabuti kong hindi ipaalam sa kanya dahil siguradong iiwasan ako no'n.

Pasado alas otso na at malamang mag sa-sara na sila dahil hindi naman twenty-four hours ang restaurant na iyon. Pagbaba ko ng sasakyan, saktong nakita ko agad siyang nakatayo sa waiting shed, kasama ang dalawang babaeng kasama niya noon sa school. Nahihiya tuloy akong lumapit dahil tiyak na magtataka ang dalawang babaeng kasama niya, baka kung ano pa'ng isipin sakin.

Itinabi ko ang sasakyan sa katabing restaurant nila at pasimpleng bumaba. Patay! paano ko lalapitan ang babaeng 'yon? Napakamot-ulo ako at nag-isip sandali. Kung hold-up-in ko na lang kaya sila kunwari? 'O kaya, kidnappin ko si Avery? Napapangiti ko sa mga naiisip ko. Mukhang nagmumukha na yata akong desperado sa lagay kong 'to! Syete naman 'o! Kailan pako nagkaganito sa babae? Nagtago na lang ako sa gilid ng kotse ko habang pinagmamasdan ko sila. Paano kung may susundo sa kanila? O'kaya may gimik sila? Hindi pu-pwedeng maudlot ang plano ko! Bago pa man sila makasakay, naisip kong i-text si Master Dave.

"Master, nadaan ko yata ang anak mo dito sa Pizza parlor.  Pauwi na rin ako, okay lang ba kung isasabay ko na siya?" Kung susunduin man siya ni Master, pupuntahan ko na lang siguro siya sa bahay, kailangan na kailangan ko na talaga ang confirmation niya. Habang hinihintay ang reply ni Master, dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila.

"Ehem," aniya ko upang kunin ang atensyon nila. "Avery, pwede ka bang makausap?"

Nanlaki ang mata niya sa gulat ng makita ako sa harap niya. Ang dalawa naman niyang kaibigan ay napakunot-noo sa ginawa kong pag sulpot. "Ah, eh… A-Anong ginagawa mo dito?" aniya at bahagya siyang dumistansya sa dalawa niyang kasama.

Sweeter Than FictionWhere stories live. Discover now