Chapter Nine

9 0 0
                                    

Chapter Nine

Avery

No. This is not happening. He can never love a girl like me. Paanong nangyari 'to ng gano'n gano'n na lang? Pinaglalaruan ba niya ko? Balak ba niyang isali ako sa mga listahan ng babaeng pinaiyak niya? Akala ko ba hinding-hindi niya ako magugustuhan? Anong kalokohan 'to?!

Hindi ko na hinintay na lumapit siya, agad akong tumakbo palabas at  mabilis na naglakad. Gulong-gulo ang isip ko.Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya ngunit natatakot ako, hindi lang dahil sa nakaraan ko, kundi dahil sa hinaharap na walang kasiguraduhan. He doesn’t know me well, there’s something in me that I hide for a years, even my dad doesn’t know it.

Naniniwala akong may misyon ako sa mundong ito at hindi kasama iyon. I had enough, I learned. Kahit gaano kasaya ang puso ko, pipilitin kong pigilan ang sarili ko. How can I tell I love him when I know exactly there’s no future for us? Limited, Temporary– That’s us.

In-off ko agad ang cellphone ko ng mabasa ang text ni Cean. Hinahanap na niya ako at gusto niya akong makausap. Paano naman ako haharap sa kanya? Anong sasabihin ko? Kaya ko bang magkunwari na wala akong nararamdaman? Trying to resist this feeling was never easy. I know I can't deceive him, halatang-halata ako sa tuwing sinasabi kong hindi ko siya gusto.Imposibleng matakasan ko siya,maliit lang ang mundo namin. Sumakay na ako ng jeep pauwi bago pa man niya ako maabutang naglalakad sa kalsada. Pagbaba ko, agad kong nadatnan ang kotse ni Cean. Shit! Paano na ko nito? Saan ako pupunta? Hindi ako pwede sa kaibigan kong kambal dahil hindi pinapayagan ang sleep over sa kanila, kung kay Zette na lang kaya? Agad ko siyang tinawagan ngunit hindi sinasagot. Wala na akong magagawa, wala na akong mapupuntahan. Hay! Ito ang disadvantage ng kakaunti ang kaibigan. No choice, I have to face him. Huminga muna ako ng malalim bago nag martsa papalapit sa aming gate.

"Bakit bigla kang umalis?" bungad na wika ni Cean. Hindi ko siya tinapunan ng tingin, wari'y hindi ko siya napansin.

"Sorry kung gumawa ako ng eksena, kanina." dagdag niya at dahan dahan siyang lumapit sakin, kumabog na naman ang aking dibdib at tila nanigas ang buong katawan ko.

"O-Okay lang, eksena lang naman 'yon," nanginginig na wika ko.

"What? H-Hindi drama sa eksena 'yon, Avery," aniya at hinawakan ang aking pisngi at pilit na iniangat upang magtama ang aming mga mata.

"Avery, makinig ka. Totoo ang sinabi ko kanina, I know it sounds corny pero, totoo 'yon," buong sinseridad na wika niya.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, kasalukuyan nang nagdiriwang ang aking puso, nagliliparan na naman ang mga paru-paro sa aking kalamnan at idinuduyan na naman ako sa alapaap. Ngayon, paano ko na ito mapipigilan? Nag iwas muli ako ng tingin, "C-Cean, kasi… G-gusto ko ng tapusin 'to... A-ayoko ng kahit anong relasyon, ayoko na mag panggap na girlfriend mo, a-ayoko ng magkaroon ng k-kahit anong ugnayan sa'yo."

"O-Okay, but we're not yet done." Seryosong tugon niya. Ganoon lang 'yon? Okay?

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Your job, it's not yet over. You can't leave me hanging." Okay, I get it. Hindi ko nga pala siya pwedeng iwan na lang basta basta matapos ang lahat ng eksenang ipinakita namin. Isa pa, tiyak na babalikan siya ni Chelsie, ngunit paano naman ako? I'm sure as hell, pag pinatagal ko 'to, mas lalong hindi ko mapipigilan ang damdamin ko.

"Okay fine, I understand. Hayaan mo, iisip ako ng magandang paraan." I said, then he finally turned away. He just walk away like I never said something that hits him.

Sweeter Than FictionWhere stories live. Discover now