Chapter Eleven

5 0 0
                                    

Chapter Eleven

Cean

One week had passed, Christmas vacation na. Mas lalong dumami ang gig namin dahil sa patuloy na pag taas ng viewers, naging puspusan ang rehearsal namin ngunit hindi naging dahilan iyon para hindi mabantayan si Avery. Hindi na halos ako umuuwi sa apartment, sa ospital na ako tumutuloy. Ngiti pa lang ni Avery nawawala na ang pagod ko. Ewan ko ba, anghel yata talaga siya. Magaan na ang loob ko ngayon dahil hindi na niya ako pinagtatabuyan, sa tuwing madadatnan ko siya, mala-anghel na ngiti ang sumasalubong sakin. Iba talaga ang pakiramdam ng ganito… very uplifting, parang kaya kong gawin ang lahat kapag kasama siya.

"O, bakit ka nakatitig sakin?" tanong niya habang pinaglalaruan ko ang buhok niya.

"You're gorgeous and… I like playing with your hair," nakangiting wika ko. I'm wondering how would she feel if I comb her hair, nabasa ko kasi sa isang romance book na pinost niya sa fb, they find it sweet and cute.

"Don't play with it, malalagas din 'yan," seryosong tinig niya. "I hate chemotherapy," dagdag pa niya at nag iwas ng tingin.

Parang nabiyak ang puso ko sa sinabi niya, alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya, kung pwede lang na ako na lang ang pumalit sa kalagayan niya, gagawin ko. I hate seeing her suffering from stomach cancer, she's too young to… fuck. She's not going to die, I'm not letting her die.

"Don't be so negative, Avery. Kahit ka isa-isang hibla na lang ang matira sa'yo, mamahalin pa rin kita at hindi magbabago 'yon."

She frown and rolled her eyes, "Ang corny mo talaga! Luma na 'yang mga ganyang linya! Alam mo dapat, simulan mo na maghanap ng ibang babae, darating din naman sa point na mawawala na ko, kaya da--"

"Shut up or I'll kiss you, Avery?!" agad kong lumapit sa kanya na akmang hahalikan. Hindi ko nagugustuhan ang mga sinasabi niya. Madalas siyang ganyan, pakiramdam niya wala ng pag-asa, naiinis ako sa tuwing iniisip niya iyon.

Napahinto siya, napangiti ako ng mapakagat labi siya, gulat na gulat ang kanyang mga mata, kaya't ginawaran ko na lang siya ng halik sa pisngi.

 "Ang daya mo talaga 'no? Tumigil na nga ako tapos hahalikan mo pa ko sa labi! Unfai--" Bago pa man niya tapusin ang sasabihin niya'y hinagkan ko na ang kanyang mga labi, marahang dampi lang iyon. Napabunghalit ako ng tawa ng maghiwalay ang aming mga labi, nangangamatis na naman ang magkabilang pisngi niya.

"Ikaw kasi, ang dami mo pang sinasabi! Sa susunod, hindi lang 'yan ang magiging parusa mo!" wika ko habang iniirapan niya ko. "H'wag ng matigas ang ulo ha," dagdag ko pa at hinalikan ang kanyang manipis na buhok. I finger comb her hair while staring at her beautiful face.

Tuwing gabi'y ako ang nagbabantay sa kanya magdamag, habang si Master Dave naman ay nagboluntaryo na sa gabi magtrabaho. Damang-dama ko ang hirap na pinagdadaanan nilang mag-ama kaya nag iisip-isip na rin ako ng paraan kung paano makakatulong pampinansyal. Hindi sapat ang nakukuha kong allowance kay Papa, binawasan niya iyon dahil wala na naman raw akong balak na umuwi sa Pasko. Nasanay na ko, tuwing holiday talaga'y hindi ako umuuwi. Umaasa lang ako sa mga gig tuwing holiday, minsa'y hindi pa kami nababayaran agad kaya, wala rin. Kailangan ko na talagang humanap ng part-time job, kahit busy sa rehearsal, kahit may gig, basta mapagkakasya ko sa libreng oras.

Avery

When I look into your eyes

It's like watching the night sky

Or a beautiful sunrise

Well, there's so much they hold

And just like them old stars

Sweeter Than FictionWhere stories live. Discover now