Chapter Five
Avery
Pag uwing pag uwi ko, sinalubong ako ng mainit na yakap ni Daddy D, pasado alas diez na at inaasahan kong magagalit siya sa'kin, sa halip ay nakita ko ang excitement sa mga mata niya ng sinalubong niya kami. Dahil doon, nawala ang kaba ko at nakahinga ako ng maluwag.
"Kamusta ba ang date? Sinulit n'yo ang ang araw a?" Pabirong wika niya ng bumitiw ng yakap.
"Dad, don't start with me. It was just a friendly date," I rolled my eyes. Pinangunahan ko na bago pa ako asarin, alam ko na ang nasa isip niya. Well, kailangan ko rin ipaalala sa sarili ko na hindi iyon 'date', iyon ay palabas lang. It was a part of his plan and part of my job.
"Friendly date? 'E ano 'yang nakikita kong bituin sa mga mata mo?" Nakangiting biro ni Dad habang pinagmamasdan ako, nagbawi agad ako ng tingin at tumalikod. Shit!
"Aba't tumalikod ka pa! Akala mo siguro hindi ko napapansin? May itsura si Cean at sigurado akong gusto mo siya, tama ba?"
I rolled my eyes and let out a big sigh. Muli akong humarap sa kanya at tiningnan siya sa mga mata, "Dad, magkaibigan lang po kami ni Cean at wala kaming nararamdaman para sa isa't-isa. It's purely platonic," seryosong wika ko.
"Okay, okay!" Aniya at itinaas ang dalawang kamay, pahiwatig na sumusuko na siya. "Sige na anak, magpahinga ka na. Good night."
Pagpasok ko sa kwarto, agad kong ibinagsak ang sarili sa malambot na kama. Napakaraming nangyari sa araw na ito, it was a blast! I never thought being Cean's fake girlfriend is enchanting! Sa lahat ng pinasukan kong sideline, ito yata ang pinaka na-enjoy ko, parang ayoko na tuloy tumanggap ng bayad sa kanya. Once upon a fairy tale is enough, more than enough to be paid for. Hindi ko tuloy mapigilang tumili sa sobrang kilig sa tuwing naalala ko ang mga nangyari kanina. He drove fast, he opened the window and I let my hair fly, then he started singing out loud, I joined him and we sang random songs. It was fun and amazing being with someone not-so close to you then, you already feel comfortable! He put a smile on my face when he left and I can't take it off, until now. Hindi ko pa rin mapigilang ngumiti habang naalala siya, when he smiles I feel like he's the only one around. I just can't help but admire him. He made me feel something I've never felt before. Omg! I need to write right now!
Sinamantala ko na ang pagkakataon, kahit na pagod ang buong katawan ko, hindi ko pinigilan ang sarili kong sumulat ng eksena. I think, pwede kong isulat ang eksenang nangyari kanina. Sa tuwing nagsusulat kasi ako, lahat ng iyon ilusyon lang, produkto ng imahinasyon ko. Lahat ng gusto kong mangyari doon ko inilalagay kahit na mukhang hindi na makatotohanan. Iyon siguro ang dahilan kung bakit kulang sa feelings. At least, kahit isang araw lang naranasan ko naman ang ganoong pakiramdam. May pag-asa kayang maulit iyon? Habang nag titipa ako sa laptop, paulit-ulit kong sinusulyapan akong cellphone ko, nagbabakasakaling magtext si Cean, ngunit wala talaga. Nag-aalala na ko kaya't hindi ko na napigilan ang sarili kong i-text siya. "Nakauwi ka na? Salamat nga pala kanina."
Wala pang isang minuto ay nagreply na agad siya, "Yeah, NP. Thanks din." Sa simpleng reply niyang iyon ay napangiti ako. Gusto ko pa siyang reply-an ngunit pinigil ko na ang sarili ko, baka kung ano pa ang isipin niya. Ipinagpatuloy ko na lang ang isinusulat ko, ilang sandali'y hindi ko na namalayang naka isang chapter na pala ako. Iba talaga ang nagagawa ng inspired! Wait, what? Inspired nga ba ako?
Napabalikwas ako ng bangon ng magising ako at hindi pa tumutunog ang aking alarm clock. "Gosh! Late na 'ba ko?" Nang matanaw ko ang oras ay pasado alas seis pa lang ng umaga, masyadong maaga para sa alas diez na pasok ko.
"Aba! Himala 'to a? Bakit ang aga kong nagising?" Napangiti na lang ako at muling ipinikit ang aking mga mata. Nagbalik na naman sa aking ala-ala ang mga nangyari kahapon. I guess, this is the feeling when reality is better than my dreams. Gising na gising na ang diwa ko kaya't hindi nako makaramdam ng antok. Gusto ko ng pumasok sa school para ibalita kina Laisa at Lanie ang naganap kahapon, alam kong papatayin nila ko dahil wala silang ka ide-ideya na 'close' na kami ni Cean. Hindi nako makapag hintay na makita sila at makita si Cean. Hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman, I should've feel this way, ngunit ang sarap sa pakiramdam. Ayokong maging 'KJ' sa sarili ko, minsan lang 'to, saka ko na pipigilin ang sarili ko kapag may kinalaman na ang puso ko.
YOU ARE READING
Sweeter Than Fiction
RomanceLimited. Temporary. That's me. All I know is that I need to do such thing as being a fake girl friend of Cean Torres, just to earn enough money. He chased me non-stop as if he's begging for me. How could he do that? I mean, he's popular and he got...