Chapter Seven
Avery
Hindi ako makapaniwala, saan ako kumuha ng lakas ng loob para kausapin si Cean? Anong nangyari sakin? Bakit parang na-high ako? Nang marinig kong kinanta niya ang 'Red' ni Taylor Swift ay tila na hyper ako, gusto kong tumili at maki-isa sa mga fan girl niya. Syet! Hindi ako ganito. Fan girl lang ako ng mga hero na nababasa ko sa nobela. Isa pang ipinagtataka ko, umasal ako na parang close kami, pagkatapos ng lahat ay hindi manlang ako nakaramdam ng pagkailang, paano nangyari 'yon? Isa pa, ito na naman 'yung ngiting hindi mabura-bura sa mukha ko, mapagkakaman na kong baliw rito, gusto ko na talagang sampalin ang sarili ko, ngunit mas magiging obvious ang kabaliwan ko. What the hell is going on with me? Bakit masyado akong na-high sa English speaking boy na 'yon? Talagang mayaman ang mokong, sa international school pa nag-aral ngunit kuripot naman! Sabagay, kung tutuusin wala na kong karapatang singilin siya dahil effortless naman ang naging arte ko noon, at least this time may pagakakataon pa kong galingan ang pag arte ko. Damn, Avery! Feel mo pang umarte ngayon? Ang totoo niyan, pumayag agad ako dahil kailangan kong alisin sa buhay ko si Kevin. Kung sakaling matunton man niya kami, may ipapakilala akong nobyo sa kanya, siguradong titigil na siya. I guess, we're helping each other.
Buong gabi akong hindi makatulog bukod sa hindi ako makapaniwalang nagkausap kami ni Cean, walang humpay na chikahan sa cellphone ang ginawa namin nila Lanie at Laisa, talagang napaka kukulit ng dalawang iyon. Tanong sila ng tanong kung anong nangyari samin, may pagka eksaherada ang dalawa, kaya't tinatawanan ko na lang. Ayokong mag-assume, ayokong umasa, siguradong pagkatapos ng lahat ng ito ay hindi na naman niya ako kakausapin, kakausapin lang niya ako kapag may kailangan na siya. I don't really mean anything to him, nothing special.
Kinabukasan, tanghali na naman akong nagising kaya't nagmamadali ako. Hindi ko na nagawang maligo ng maalala kong may quiz kami sa first subject. Naghilamos at toothbrush na lang ako, nag make-up, kaunting suklay at nagsuot ng uniform. Halos fifteen minutes lang akong gumayak at nagmamadali akong nagpaalam kay Daddy D. Kung kailan naman nagmamadali saka naman walang jeep na masakyan! Letse talaga! Bakit kasi hindi ako nakatulog ng maaga? Tinanghali tuloy ako! Well, lagi talaga akong late pero malala ito. Hindi ko na naman nakuha maligo, buti na lang at mabango ang uniform ko.
"Looking for a ride?" mahangin na wika ni Cean. Saktong huminto ito sa kinatatayuan ko at ibinaba ang bintana. Napataas ang kilay ko sa maangas na tanong nito, akala mo naman napaka 'hot' ng dating! Well, I'll admit it he's hot as hell but he's not my type. I don't want a bad guy. Nag-isip ako sandali, umaarteng nagpapakipot dahil kahit 'fake girlfriend' niya ako, ayokong isipin niya na 'easy girl' ako.
"Tara na, baka ma-late ka pa!" Aniya at binuksan ang pinto sa harap. Sumakay na rin ako dahil talagang ma la-late na ko.
"Ayaw mo pang sumakay, dinaanan ka na nga. Anyway, you're work starts today so I expect you to act like my girlfriend." Seryosong wika niya.
"Actually, I have no idea how to act like your girlfriend," tugon ko para inisin siya. Well, sanay naman ako, mayroon din naman akong 'bitch' side ngunit hindi nga lang madalas lumalabas.
"Act like a sweet girlfriend, gusto kong mainis sa selos si Chelsie para tigilan na niya ko."
Omg! Pagseselosin si Chelsie? Syet, baka sabunutan ako ng 'bitch' na 'yun, ayokong mapaaway!
"Fine, pero h'wag sobra! Ayokong mapaaway sa ex mo. Kung bakit naman kasi mag g-girlfriend ka lang dun pa sa possesive." diretsong wika ko, hindi ko na napigil. Wala naman akong karapatang kwestyunin siya pero may punto naman ako.
YOU ARE READING
Sweeter Than Fiction
RomanceLimited. Temporary. That's me. All I know is that I need to do such thing as being a fake girl friend of Cean Torres, just to earn enough money. He chased me non-stop as if he's begging for me. How could he do that? I mean, he's popular and he got...