Chapter Ten
Avery
Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Paano ko naman magagawang tapusin ang lahat ng ito kung lunod na lunod na ang puso ko sa ligaya? Napaka sarap sa pakiramdam ang makulong sa kanyang mga bisig. I feel safe, I feel loved. Lalong nag paiyak sakin ang huli niyang sinabi. Paano niya nalaman na gusto kong maging writer? Inii-stalk ba niya ko? Gusto kong matawa't maiyak sa mga sinabi niya na kaya niyang gawin ang lahat para sakin. Saan naman kaya niya nalaman 'yon? Nang kusang tumigil ang aking luha sa pagpatak, nahihiya na akong tumingin kay Cean. Siguradong kalat na kalat na ang mascara ko at make-up, napaka pangit ko na. Dahil doon, agad akong tumakbo sa comfort room at inayos ang sarili ko, halos namumugto na ang mata ko. Tinanggal ko na ang aking contact lense at isinuot ang aking salamin, back from being a nerd. Habang tinitingnan ko ang aking repleksyon sa salamin, doon ko napagtantong hindi talaga kami bagay, mukha na naman akong basahan, samantalang siya… prinsipeng-prinsipe. Halos malag-lag ang panga ko ng sunduin niya ko. Bagay na bagay ang kanta ni Taylor Swift na Today was a fairy tale no'ng mga sandaling iyon. I used to be a damsel in distress, you took me by the hand and you pick me up the six… Today was a fairy tale.
Palong-palo ang kantang iyon, lalo na ng maramdaman kong tila huminto sa pag ikot ang mundo ng unti-unti siyang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko. Gosh! I almost died. Hindi ako pakapaniwala na ang isang Cean Torres ang magpaparamdam sakin ng ganito. Malayong-malayo siya sa inaasahan ko.
Paglabas ko ng restroom, agad niyang hinila ang kamay ko, mabilis kaming naglakad palabas at nagtungo sa parking lot. Ito na ba ang katapusan ng lahat? Akala ko ba gusto niyang patagalin?
"Ipinag paalam na kita kay Master Dave , you're not going home tonight," seryosong wika niya at binuksan ang pinto ng kotse.
"What? Saan ako matutulog?" Himala! Paano niya napapayag si Daddy? Imposible 'to!
"Let's play a little game. Remember the first time I caught you at Elements? Now, pretend that it happened again."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ano?! Nababaliw ka ba? Akala mo ba gusto kong balikan 'yung time na halos muntik na kong pag samantalahan ng la--"
"Not that scene!" natatawang wika niya.
"E, ano?! 'Yung natulog ako sa… Omg! No. no. I can't sleep at your apartment."
Lalo itong napabunghalit ng tawa. "You're over thinking!"
I rolled my eyes. "Ano naman ang gagawin natin do'n?" Deretsong tanong ko.
"I don't know, let's see." aniya at sinumulan ng paharurutin ang sasakyan.
Wala pang limang minuto kami ng makarating kami sa apartment niya. Bahagyang nakakaramdam na 'ko ng antok ngunit kailangan kong pigilan ito, siguradong pag nagising ako ay hindi na ito mauulit.
"Want some drink? Coffee, juice, beer?"
Omg! Beer? Sabi na nga ba't may balak siyang lasingin ako! "Coffee na lang."
Pag balik niya'y nakabihis na siya't dala-dala na niya ang kapeng mainit habang ang isa naman ay beer. "May balak ka bang lasingin ako?" lakas-loob na tanong ko.
Natawa na naman siya, "Don't over think, Avery hindi ako rapist. Kahit malasing ka d'yan, hahayaan lang kita magpa gulong-gulong sa sahig."
Binato ko siya ng throw pillow, ang lakas pa rin niyang mang-asar! "Talaga lang ha?!"
"Aba! Gusto mo ng pillow fight?" aniya at agad na gumanti. Naghampasan kami ng unan, hanggang sa hindi na kami makahinga kakatawa. Sa kanya ko lang naranasan ang tumawa ng ganito, ang sarap sa pakiramdam. Nang matahimik kami'y nilagok niya ng nilagok ang beer na nasa lata.
YOU ARE READING
Sweeter Than Fiction
Roman d'amourLimited. Temporary. That's me. All I know is that I need to do such thing as being a fake girl friend of Cean Torres, just to earn enough money. He chased me non-stop as if he's begging for me. How could he do that? I mean, he's popular and he got...