Andito na ako ngayon sa room namin. 30 minutes earlier akong dumating. Hindi na ako nakakatulog ng maayos gabi-gabi kakaisip kung paano ulit ako haharap kina Sam. Sana nakalimutan na nila yung nangyari two weeks ago. Sana makalimutan ko na din konting feelings ko para sa kanya.
Isa isa ng nagsisidatingan ang mga kaklase namin. Magkasamang dumating si Naz at Kath. After 10 minutes dumating si Mark kasama yung kambal. Dumiretso sa upuan sa kaliwa ko si Mark. Si Chinita naupo sa katabi ni Kath at si Alex naman pinaalis yung nasa kanan ko. Ang bully talaga. Gangster lang. Buti na lang takot sa kanya ang mga kaklase naming lalaki.
"Good morning brad, bro, bru!!!" bati sa akin ni Mark
"Good morning pare." sagot ko sa kanya.
"Hoy Alex! Naninira ka na naman ng magandang umaga. Tigilan mo nga yan. Ang siga mo talaga, buti na lang di ka pinapatulan ng ibang boys." sabi ni Mark kay Alex
"Bakit? May problema ka? Siguro bet mo yung pinaalis ko 'no? Crush mo ba yun si Daniel? Di kayo bagay Mark, mas pogi siya kesa sayo!" pambu-bully ni Alex kay Mark
"Ul*l! Hindi kami talo. Dami mong alam. Maupo ka na lang." iritableng sagot ni Mark
"Ul*l ka rin." sagot niya kay Mark sabay harap sa akin. "Kamusta Cion?"
"I think i'm fine, it just feel sleepy right now. Thank you."
Tulala silang dalawa sa sinabi ko. Haha. Trip kong mag-English today para good vibes lang.
"Anyare sayo?" tanong ni Mark sa akin
"Oo nga. Gutom ka ba?" dagdag ni Alex
"Kanina gutom ako pero ngayong nakita na kita Alex" biro ko
"Ano pare? Nabusog ka na? Haha." gatong ni Mark
"Hindi. Mas lalo akong nagutom. Para gusto kitang papakin Alex."
Pak! As usual. Sinampal niya na naman ako.
"Aray! Hindi ka na mabiro. Feeling mo naman may gustong pumapak sayo."
Pak! Isa pang sampal ang nalasap ng rosy cheeks ko.
"Duh! Feeling ka din. As if gusto ko magpa-papak sayo? Gwapo ka ba?" ganti ni Alex
"Ouch! Wala namang ganyanan. Nakakasakit ka na aah. Ikaw naman di ka na mabiro. Hindi ka na mabiro. Haha" sagot ko kay Alex. Ang sakit naman nun, "gwapo ka ba?" ang hirap sagutin ng tanong na yan.
Sabay tumawa si Alex at Mark. At nagpatuloy ang kulitan naming tatlo. Natigil lang kami ng pumasok na yung professor namin.
...
After three hours..
"Ok, class dismissed.."
Paglabas ni Sir, lumapit sa amin sina Chinita. Kinabahan na naman ako. Naalala ko yung mga sinabi ko about sa feelings ko sa kanya. Buti na lang moving on na ako sa kanya.
"Alex! Sabay ka sa amin mag-lunch?" sabi ni Sam. Hay salamat, hindi ako yung sadya nila.
"Hindi Sam. Nagpromise ako kay Cion kahapon na sabay kami sa lunch ngayon. Thanks Sam. See you later girls."
"Ok. Bye Alex. Bye guys."
Umalis na sila. Lumabas na rin kami ng room ni Alex.
"Hoy Cion! Teka lang. Sama ako." sabi ni Mark
"Saan? Mag lunch?"
"Ay hindi, breakfast. Saan ba kayo kakain?" pilosopong sagot sa akin
"Secret." sagot ni Alex
BINABASA MO ANG
Freedom Wall
Teen Fiction"Dito ko na lang isusulat lahat ng nararamdaman ko para sa'yo baka sakaling mapansin mo."