Alex POV
Ang aga kong gumising ngayon. First day of classes naming kaya lang di pa ako tapos mag-enroll. Need kong dumaan muna sa Registrars Office para officially enrolled na ako. 6:30AM pa lang. Ang sarap sana matulog ulit, 9AM pa sana ang first subject namin. Dapat pala hindi na ako nagpaiwan sa Boracay.
So ayun nga, after kong maligo ng ilang minute papunta na ako ng school. Hindi na ako nagpahatid kay Dad para naman maexperience kong mag-commute. Tsaka ang ganda sa pakiramdam ng nag-iisa. Theres freedom. Walang taong magbibigay ng restrictions sayo maliban sa mga magulang mo.
Pagpasok ko ng campus, diretso ako sa registrar. Ako ang first sa line. Sana matapos ako kaagad para makahabol sa first subject. Ang hirap pag late enrollee. Naghihintay na lang ako ng Certificate of Registration ko ng may dumating na isang student. Ang kapal ng eye glasses niya at floral ang design ng damit. Masyadong makulay si Ate. I love it. Ang cool niya tignan.
Pagkatapos ko sa registrar naisipan kong sa classroom na lang ako maghihintay. Napadaan ako sa may gate at napansin ko yung isang lalaking estudyante na kasama ang tatay niya. Ang cute nila tignan. College na pero hinatid pa ng tatay niya. Im not being sarcastic here ah pero bihira na lang ako makakita ng mga teenager ngayon na close sa parents nila. Ano kayang course ng lalaking yun?
Wala pang masyadong tao sa classroom. Lima pa lang kami andito. Kinuha ko yung phone ko para i-text si Sam.
To: Samantha
Good morning Sam! Tapos na po ako mag-enroll. Magkaklase ata tayo. Block B ka diba? Buti na lang may 2 pang vacant slots sa Block B. San ka na b? See you.
Maya-maya pa, nagsimula ng magsidatingan ang mga kaklase ko. Yung iba halatang friendly, halos lahat nilapitan para magpakilala. Meron din naming iba na ang susuplada. Buti na lang tung tatlong mukhang gangster sa likod, chill lang. Haixt! Inaantok pa ako. Gusto kong matulog! Susubukan ko sanang matulog sa desk ng upuan ko pero Nakita kong pumasok sa classroom yung estudyanteng kasama yung tatay niya kanina. Mukhang mahiyain. Tinitignan lang ang kaklase namin. Naupo siya sa may unahan ng upuan sa kaliwa ko.
Beep! Yan ang notification alert ko. Beep once lang para discreet. Nagtext si Sam.
From: Samantha
Thats good to hear. Malapit na ako sa classroom. May kasama akong classmates natin. Mga A.R.M.Y din. Haha.
Hai naku. Nakahanap pa ng ka-army tung si Sam. Puro BTS na naman bukam bibig nito mamaya pag uwi sa bahay.
Bigla yatang natahimik ang klase lalo na yung mga boys. Kaya naman pala. Pumasok sina Sam. Infairness ang ganda ng dalawa niyang kasama. Napanganga ang mga boys. Napansin ko din yung may kasamang tatay kanina na nakatitig kay Sam. Haha. Excuse me po, magkamukha po kami baka gusto niyo din akong tignan.
"Hoy! Matutunaw na yan si Miss Beautiful sa kakatitig mo. Tirahan mo naman yung ibang boys." sabi ko sa kanya.
Aba! Masyadong naka-focus kay Sam hindi ako narinig at napansin. Pumasok ang teacher naming. Ang pogi naman ni Sir, mukhang mabango.
"Hi class. I mean, hi future managers." sabi ng professor namin.
"Hi Sir!!!" Sabay sabay na sagot ng mga girls. "Ang gwapo nya." Narinig kong sabi ng ibang girls.
Hala! Ang dami agad ng mg ataga-hanga ni Sir. Haha.
"Welcome to Bicol University College of Business, Economics and Management. I'm Prof. Lance Reyes and I'll be your professor for your first subject which is Fundamentals of Management and Organization. I have here the official list of enrolled students dito sa block nyo, this is BS Management Block B, right?"
BINABASA MO ANG
Freedom Wall
Teen Fiction"Dito ko na lang isusulat lahat ng nararamdaman ko para sa'yo baka sakaling mapansin mo."