"I accept everything about myself. I will never change just for the benefit and acceptance of others."
That is my motto in life. Pero mukhang kakainin ko lang lahat ng sinabi ko para sa taong mamahalin ko.
Ako nga pala si Cion Matthew, 16 years old, pero kahit 16 na ako, may pagkachildish pa rin ako. Ewan ko ba, feeling ko kasi mas masaya ang buhay kapag bata. Pangarap ko nga palang maging artista kahit malayo sa hitsura ko. Pero umaasa pa rin ako, kahit pang horror, ok na. Ang nanay ko nga pala ay isang babae at ang tatay ko naman ay lalaki pero mas lalaki pa sa kanya ang nanay ko kapag sumasabog na. Nagtatrabaho si inay sa ABS-CBN at si tatay naman ay nagtatrabaho bilang senior vice president sa ng isang Cargo Corporation. NAks!! Ang yaman naman namin pero joke lang yan. Si inay isang teller ng banko at si itay naman ay taxi driver. Pag-aari namin ang taxi kaya walang bawas sa kinikita nya sa pagmamaneho. Iyan nga lang ay kung dinadalaw sya ng sipag na magpasada. Sapat lang ang kinikita nila para sa aming mag-anak. Tatlo lang kaming magkakapatid, Ako, Si Recks, 15 years old at ang bunso naming babae na si Carla. Ako nga pala ang panganay na sa amin kaya grabe na lang ang pangaral sa akin nina inay pagdating sa pag-aasawa. Wala pa nga iyan sa isip ko pero laging iyan ang ibinubunganga nila sa akin. Yan tuloy, parang gusto ko ng magkajowa agad tpos mag anak ng sampu.
Wala pa naman talaga akong balak mag-asawa, ni wala pa nga akong girlfriend. Sa edad kong 'tu pag-aasawa na agad ba ang iisipin ko? Naiintidihan ko naman sila. Ayaw lang nila na maging batang ama ako. Sa totoo lang, ayoko din naman na mangyari yun sa akin tsaka "choosy" ako. Hindi ko pa kasi nakikita yung babaeng nagpatibok ng puso ko. Sabi nga ng iba, bakla daw ako, wala daw akong naging girl friend ng highschool. Ang totoo nyan, may niligawan noong end ng sophomore year namin. Umabot ng dalawang taon ang panliligaw ko sa kanya. Masaya kami sa isa't isa pero hindi pa daw sya handa sa mga ganoong bagay. Pero ayos lang na ganun yung kinalabasan ng panliligaw ko sa kanya ng dalawang taon, naging masaya ang high school life ko dahil sa kanya. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako umiyak ng binasted nya ako. Siguro dahil nasaktan ako. Nasaktan ako? Saan? Sa rejection ba? O kaya dahil sa lahat ng oras na nasayang ko sa pagsuyo sa kanya? O baka naman nanghinayang ako sa mga nalibre ko sa kanya. Sayang din yun. Tsk. Ewan ko ba, masakit lang talaga siguro ang hindi piliin.
Nagdrama na ako't lahat lahat pero hindi pa pala ako nakapagpakilala ng lubusan. Matangkad naman siguro ako, 5'7" ang height ko eh; 54kg ang bigat ko, payat ako pero mataba naman ang puso ko. Pero di naman ako kasing payat ng boyfriend ng bestfriend mo. Oo, ikaw na nagbabasa kinakausap ko. Pero kahit ganito ang katawan ko, my abs din naman ako, dalawang piraso nga lang; Moreno ako, kamukha ko nga daw si Aljur Abrenica, pero siyempre lamang sya hindi lang sa paligo pati sa hilamos. Mas makapal ng kaunti ang lips ko sa kanya, parang Angelina Jolie lang. In short, hindi ako gwapo. Happy-go-lucky akong tao, just go with the flow. Joker ako kaya hindi ako nahihirapan makipagkaibigan. Lagi kong tinatawanan ang mga problema ko. Pero marunong din naman akong magseryoso, paminsan minsan nga lang.
BINABASA MO ANG
Freedom Wall
Teen Fiction"Dito ko na lang isusulat lahat ng nararamdaman ko para sa'yo baka sakaling mapansin mo."