Dalawang araw na rin ang nakakalipas mula ng pumunta kami ni Alex sa Mall para magshopping. Yung akala kong libro lang bibilhin niya tapos biglang nagpasama mag-grocery. Pero mabait din pala 'tong si Alex at masunurin sa magulang kahit bully minsan.
Flashback
Ang dami niyang pinamili sa supermarket. Mga junk foods, biscuits at mga beverages. Pagdating namin sa stationery section, bumili sya ng mga notebooks at mga lapis. Ang dami ko tuloy bitbit. Pagkatapos mamili sa Mall, dumiretso kami sa isang Day Care Center malapit sa may school namin. Ano kayang gagawin namin dito? Pumasok kami sa loob.
"Hi! Good afternoon po" - sabi ni Alex
"Si Ate Alex." - sabay sabay na sabi ng mga bata
"Hello Alex, Good afternoon sayo. Napadaan ka." - tanong ng teacher, mga mid forty's ang edad
"Namiss ko lang po 'tong mga bata. May mga dala rin po kami para sa mga bata, galing po kay Dad.
"Maraming salamat Alex. Pakisabi kay Mr. Rodriguez na maraming salamat." - tuwang tuwang sabi ng teacher
"Wala pong anuman Ma'am."
"Sino nga pala yang kasama mo? Boyfriend mo?" - pang-iintriga ng teacher
"Si Cion po pala, classma..." - hindi niya natapos ang sasabihin nya dahil nagsalita ako
"Magandang umaga po. Ako po pala si Cion, boyfriend ni Alex." - nakangiting sagot ko
"Hindi po teacher. Joke lang yan." - pagtatanggi nya
"Huwag mo na lang po sasabihin sa Dad nya, hindi pa po kasi kami legal dahil mga bata pa. Sasabihin naman po namin sa takdang panahon." pang iinis ko
Tinignan lang ako ni Alex ng masama. Kung nakakasugat lang ang mga tingin nya, malamang puno na ng hiwa ang pogi kong face.
End of flashback
Naglalakad ako ngayon papuntang classroom para sa next class namin. Late na ako. Nagmamadali ako sa paglalakad para makahabol sa klase kaya lang natigilan ako ng napadaan ako sa Freedom Wall. Nakita ko yung sinulat ni Chinita sa board. "Crush kita, hindi mo lang alam." Hindi naman pala para sa akin ang message na 'to. Ang sabi ni Alex, ang crush daw ng kapatid niya ay si Prof. Lance Reyes. Akala ko pa naman ako na, sayang.
Kumuha ako ng chalk at nagsulat malapit sa may sinulat ni Chinita - "Crush kita kaso crush mo siya :-("
Bigla akong nalungkot sa sinulat ko. Kinuha ko sa bag cellphone sa bulsa ko. Mukhang may nagtext naramdaman kong nagvibrate kanina.
2 messages received
From: Classmate-Chinita
Cion, asan ka na? May group activity tayo. Kulang kami, wala pa kasi si Alex at si Mark. May reward daw kapag nanalo.
From: Classmate-Bully
Hoy Cion? Asan ka po? Pwede mo ba akong puntahan dito sa may C.R. Please. Emergency lang.
Nagreply ako kay Alex. Emergency daw eh. Hindi ko na nareplyan si Sam.
To: Classmate-Bully
Bakit? Anong nangyari? Sige, puntahan kita. Ang bait mo ah, may kailangan ka 'no? Papunta na ako.
After 1 minute, nasa labas na ako ng girls CR.
"Alex, asan ka?"
"Cion? Ikaw ba yan? Pasok ka, andito ako sa loob na cubicle. Wala man tao dito." - utos niya
BINABASA MO ANG
Freedom Wall
Teen Fiction"Dito ko na lang isusulat lahat ng nararamdaman ko para sa'yo baka sakaling mapansin mo."