Maaga akong gumising ngayon. 8:00am kasi ang PE namin tuwing Monday. Halos dalawang linggo na rin akong gumigising ng maaga kapag Lunes.
Dumating ako sa College of Physical Education 15 minutes bago ang klase namin. Walang tao sa loob ng Gymnasium. Bakit kaya? Late ba silang lahat? Ewan. Magrereview na lang muna ako habang wala pa sila.
8:38am..
Tumingin ako sa relo ko. Halos isang oras na akong naghihintay pero wala pa sila. Ano ba yan? Wala atang pasok. Hala! Wala bang pasok? Teka? Bakit hindi ako informed? Tsk. Napagdesisyunan kong pumunta na lang sa campus namin, sa College of Business, Economics and Management.
Pagpasok ko ng gate, maraming tao ang nagkukumpulan sa may bulletin board. Ano kayang meron? Naki-tsismis na rin ako kung anong meron. Paglapit ko, nakita ko ang isang malaking chalk board na may signage sa taas na "Freedom Wall". Project daw yung ng College Student Council. Dun daw pwede isulat ang kahit na ano. Ang dami daming naiimbento ng mga students dito. Andun din yung klasmate kong si Chinita. May sinusulat sa board, "Crush kita, hindi mo lang alam." Ano kayang trip ng mga tao dito? Pinabayaan ko na lang, dumiretso ako sa Canteen at kumain ng Halo Halo flavored Cookies and Cream. Sosyal 'no? Halo halo lang yan na nilagyan ng dinurog na Oreo.
Sarap na sarap ako sa pagkain ng may lumapit sa akin.
"Hi Cion! Pwede makishare ng table?"
Pag angat ng mukha ko, nakita ko ang isang anghel na nakangiti sa akin. Gusto kong matunaw sa kinauupuan ko. Hahaha. Yuck! So gay!
"Su..su..sure!" - nauutal kong tugon
Umupo sya sa harap ko. Pareho ang kinakain namin, Halo halo flavored Cookies and Cream. Naisip ko tuloy, meant to be ata talaga kami. Ang landi talaga ng utak ko.
"Bakit ka nga pala andito?" - tanong niya
"Bakit bawal?" - suplado type kong sagot. Mas Mabuti na daw kasi ang medyo suplado, atleast mysterious and gwapo and dating. Haha
"Hindi naman. Wala naman baga kasi tayong pasok. Nagtext yung instructor sa PE na absent sya today. Hindi mo narecieve yung group message?"
"Hindi. Sino nagtext?"
"Ako nagsend ng message. Ow, sorry, wala pala akong number mo. I'll just get your number"
"Sure! Kahit cellphone ko, ibibigay ko sayo. Haha. Ayos, textmate na kami. Para-paraan din 'tung si Chinita para makuha number ko." sagot ng malandi kong utak.
"Eto po oh, 0948-55851**. Huwag mong ipamimigay sa iba aah." sabi ko sa kanya.
"Wala naman atang manghihingi ng number mo." - sabi nya habang nakangiti
Boom! Savage. Basag ako dun. Walang manghihingi ng number ko. Hmp!
"Di ba wala naman tayong pasok knina? Eh, bakit andito ka tsaka anong ginagawa mo dun sa Freedom Wall?" - tsismosong tanong ko
"Ako kasi ang representative ng block natin, required mag attend kanina sa launching ng Freedom Wall project ng College Student Council." - sagot nya
"Ano naman yun?" - kunyare hindi ko alam kung ano yun
"Isa yung bulletin board para sa lahat ng students. Labasan ng stress at sama ng loob. Pwede mo isulat lahat ng feelings mo. Malapit na kasi ang independence day so naisipan nilang maglagay ng Freedom Wall para sa freedom of expression ng mga students." - mahabang paliwanag ni Chinita
"Talaga? Ano pala yung sinulat mo dun kanina? tanong ng poging bida sa kwentong 'tu.
"Crush kita, hindi mo lang alam." - inosenteng sagot nya
Muntik na akong mabulunan sa sinabi nya. Tama ba ang dinig ko? "Crush kita, hindi mo lang alam." - yan ang paulit ulit na nagpe-play sa utak ko. Nauutal at namula ang mukha ko. Kinikilig yata ako. Crush ako ni Chinita. Crush ako ng crush ko. Parang gusto kong ubusin ang paninda ni manang sa canteen. :-)
"Hey! Cion?!?" - sabi nya habang kinakaway kaway ang kamay nya sa harap ng mukha ko. "Cion? Ok ka lang?" - nag aalalang tanong nya.
"Sampalin mo nga ako." - sabi ko. Gusto kong siguraduhin na hindi ako nananaginip.
"Bakit? Ayoko ko nga. Bakit naman kita sasampalin?"
"Gusto ko lang malaman kung nananaginip ba ako."
"Hindi ka nananaginip. Totoo 'to. Totoong totoo."
"Sampal..."
Pak! Sasabihin ko pa sana na sampalin niya ako pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Isang malakas na sampal mula sa aking likuran dumampi sa rosy cheeks ko. Si Chinita, tawa ng tawa sa kinauupuan nya.
"Bakit mo ako sinampal?" sabay lingon sa likod para tignan kung sino ang walang pusong sumampal sa pogi kong face.
Nakita ko si Alex, yung kakambal ni Chinita, na tumatawa.
"Anong problema mo?" - sagot niya ng nakataas ang kilay
"Bakit mo ako sinampal? Halos mabasag ang panga ko sa sampal mo." - nanggagalaiti kong tugon
"Sabi mo kasi sampalin ka." habang pinipigilan ang tawa niya
"Hindi naman ikaw ang kinakausap ko aah."
"Alam ko, ayaw ni Sam kaya ako na lang. Representative nya ako, kambal naman kami. Haha. Nakakatawa ka kasi, may pasampal sampal ka pang nalalaman. Style mo, bulok."
"Pasensya ka na sa kapatid ko Cion. Medyo may pagka-gangster talaga yan." - biglang sabi ni Chinita
"Ok lang. Naalog ata yung utak ko. Sana gumana mamaya sa exam."
"Sige Cion, alis na kami. Uwi muna kami ng bahay. Balik na lang kami mamaya para sa subject mamayang 3pm." paalam ni Chinita
"Sam, magpapaiwan na lang ako. Pupunta kasi ako sa NaBo, may bibilhin lang." sabi ni Alex
"Okay. Ingat ka. Text kita kung may maisipan akong ipabili sa mall." sabi ni Chinita
"Pambili?" sabay bukas ng palad ni Alex para humingi ng pera kay Sam
"Gamitin mo na 'tong Credit Card ko."
"Thanks Sam. I love you."
" Alessandra Rodriguez, don't use my card sa pagbili ng kahit anong walang kabuluhan. Kuha mo?"
"Opo!" Alex sabay pout ng lips
Umalis na si Sam. Adik ata ang magkapatid na 'to. Infairness, close silang magkapatid. Tumayo ako para umalis.
"Psst. Psst."
Lumingon ako.
"Ako bang tinatawag mo?" tanong ko
"Oo, ikaw. Pwede mo ba akong samahan sa NaBo?"
"Bakit ako? Tsaka anong NaBo?"
"NaBo means National Bookstore. Sige na. Medyo mabigat kasi yung book na bibilihin ko. Alam ko, sisiw sa mga muscles mo yun. Gentleman ka di ba?"
Ayos talaga 'tong si Alex. Bully. Sasamahan ko na nga.
"Sasamahan lang kita kung ililibre mo ako."
"Sure!"
Napagod ako ngayon pero ok lang. Masaya din naman kahit papano. May other side din pala 'tong si Alex aside from being a bully. Haha. Para siyang barya, kailangan i-flip para makita ang nasa kabilang side. Siguro kung siya si Chinita, mas lalo ko sana syang nagustuhan, kaso hindi. Kung si Alex, the bully, may soft side, Si Sam, the adorable, ano kaya ang other side? Sana hindi malala.
Haixt. Ewan, saka ko na lang yan masasabi kapag close na kami. Matutulog na ako. Let's call it a day!
BINABASA MO ANG
Freedom Wall
Teen Fiction"Dito ko na lang isusulat lahat ng nararamdaman ko para sa'yo baka sakaling mapansin mo."