Rei's POVGeez. Bagsak man ako, nakaperfect naman ako sa kanya. Hihihi. Enebe! Nekekeleg. ^___^ Kikiligin na ba ko sa sinulat niya sa test paper ko? Hahaha.
Oh, Earl kong mahal. Hayyy, tuluyan mo na yatang nakuha ang aking puso. Hah?! Ano daw? Hahaha. Ang corny ko naman. Hahaha
Nandito kami sa room. Wala kaming ginagawa kasi wala yung teacher namin kaya vacant kami. Nagsimulang magkumpul-kumpulan ang mga kaklase ko. Yung grupo nila Earl, ayun ... Nagjajamming sila. Yay! Ang ganda pa naman ng boses niya. Hayyy.
Naisipan naman naming maglaro. Si Axene nagsimula.
" Ano bang magandang laruin guys? Hmm. I wanna be a tutubi ano? " tanong sa amin ni Claire.
" Ehhh, next time na yun. Yung maganda yung dugtungan. " sabi naman ni Axene.
" Hah? Paano ba gawin yun? " tanong ko naman kay Axene.
" Basta madugtungan niyo lang yung pinakahuling salita na binanggit. Napakasimple! " pagpapaliwanag niya.
" Kaya nga noh. Sige sige. Eh tungkol saan naman yung topic? " tanong naman ni Mikaela.
" Edi tungkol sa tinatagong pagmamahal ni Rei. " sabi ni Axene.
" Rei na dati ay nerd ngayon ay naging dyosa. " Claire.
" Dyoss sa mata ng kanyang mahal. " Cristine.
" Mahal niyang sikat na lalaki. " Claire.
Okay, 'di ako makasingit kasi ako yung topic. -___- paano kaya ako mag-eenjoy nyan.
" Lalaki na mahal rin ni Rei. " Glaiza.
O_____O Bigla akong napatingin kay Earl at nagkatinginan kami. Pero binawi ko agad. Shems! Ano bang ginagawa nila?! Nakakahiya na tuloy.
" Rei, sino nga ba ang mahal mo? " sabay-sabay nilang tanong sa akin.
" H-hah? A--ahhh e--ehh. Sino nga ba? Hmmm... Wala naman akong gusto. " yan lang yung nasabi ko. At biglang may nagbagsak ng pintuan. Pagkatingin ko, wala na dun sa kinauupuan niya si Earl. Siya nga yung nagbagsak ng pintuan. Problema nun?
" Itigil na natin 'to guys. Wala naman palang mahal si Rei eh. " sabi ni Axene.
" Ehhh bakit kasi ako pa naging topic niyo. Yan tuloy. Wala rin kayong napala. "
" Oo na. Oo na. Anyways, ano? Kain na tayo. Magrerecess naman na. " sabi ni Claire.
" Sure! Kanina pa ko gutom. Hahaha " sabi ko naman.
Naglabasan na kami pero biglang may nang-akbay sa akin. Tae naman oh! Sino naman 'tong bakulaw na nang-akbay sa akin. -____-
Sinuntok ko yung tiyan niya.
" Awww! Aray! " sabi nung lalaki.
Kumawala na ko sa pagkaka-akbay niya sa akin. At pagkaharap ko ...
O___O Waaahhhh!!! asdfghjkl!
" MB? " sigaw ko sa kanya.
" A--aray. Ang lakas mo pa lang sumuntok. " sabi niya habang hawak-hawak niya yung tiyan niya.
" Hala, MB. Sorry naman. Akala ko kasi ibang tao. "
" Hahaha! Yay! Sorry na RR. :) " at ginulo niya yung buhok ko.
" Ehhhh! MB naman. Ginulo mo na yung buhok ko. " sabay simangot ko sa kanya.
" Wag kang magpout dyan at baka 'di ko mapigilan. Ang cute mo kasi RR. "
" Siopao na bola-bola. Minsan pagkain, madalas ikaw. " sabay pingot ko sa ilong niya. Hahaha. Ang cute kasi ng ilong niya. Hahaha!
" Aray! Di ako marunong mambola noh. "
" Sauce! Mani--- aray!!! "
Bigla ba naman akong banggain ni Earl. Problema nun? Baka dalaw niya ngayon. Mabigyan nga siya ng napkin mamaya.
" Okay ka lang RR? Masakit ba? "
" Hindi. Okay lang ako. Malayo sa bituka 'to. "
"Mamaya, pupuntahan nalang kita ah. :) "
" Oh sige MB. Bye! "
" Bye RR! "
At yun, nakaalis na si MB. Tumingin ako sa loob kung nasaan na yung mga kasama ko. Nahagip ng aking mga mata ang nakasimangot na Earl. Eh? Bahala siya.
Dumiretso na ko sa canteen dahil nandun na pala sila.
" Yiiiieeee! Napatagal yata ang usapan niyo ni MB ba? " sabi ni Mikaela.
" Yeah. May sinabi lang sa akin. "
" Ano naman yun? Yeah! Nanliligaw na ba? " tanong ni Glaiza.
" H--hah?! H--hindi ah. Hahaha. Kaibigan ko lang si MB. "
" Sus! Kaibigan lang sa una, sa dulo sila na. Yeah! May ma-rhyme lang. HAHAHA! " sabi ni Claire.
" Bahala na nga kayo kung anong isipin niyo basta ako. Yun lang. Anyways, balik na ko sa room ah. May gagawin pa pala ako. "
Umalis na ko sa canteen at balik sa room na naman. Nakakain na ko sa lagay na yun. Hahaha XD
Pagbalik ko sa room, nakita ko agad si Earl. Ayun, 'di pa rin namamansin. Hayyy. Ano ba yan!!!
Hindi ko nalang inisip yun kasi ang sakit lang sa dendrites kapag inisip ko pa yun. Wow! Dendrites! Big word!
Nung uwian na, lalabas na sana ako ng maalala ko na cleaners pala ako. Takas pa Rei!
Kaya yun, kinuha ko yung dustpan at walis tambo para makapaglinis.
" Rei! May naghahanap sayo! " sabi ng kaklase ko.
" Pakisabi wait lang! " geez. Nandyan na yata si MB. Minadali ko ng maglinis. Parang kasing bilis ni Flash. Hahaha!
Nung natapos na, kinuha ko na yung bag ko at lumabas na. Pero, napatigil ako at di ko sinasadyang marinig ang pangalan ko sa pinag-uusapan nila MB at Earl.
" asffghjkklqweryuigc si Rei. " ayan lang naintindihan ko sa sinabi ni Earl. Waaahhh!!! Bakit nadamay pangalan ko dun?!
" adfgjkliytrewcvnvcd pake mo? " yan lang rin narinig ko na sagot ni MB.
Naisipan ko ng putulin ang usapan nila kaya lumapit na ko.
" A--ahhh hello? " yan lang nasabi ko sa kanilang dalawa.
" Hello RR! " nakangiting sagot ni MB. Hayyyy. Nakakagoodvibes talaga yung ngiti ni MB.
Humarap naman ako kay Earl. Pero pagtingin ko, sinimangutan niya lang ako at tumingin sa iba.
Si Earl naman, nakakabadvibes yung pagmumukha niya. Naku!
" Alis na ko. " tumalikod at naglakad palayo na si Earl.
" Aray! Hayst! Para saan yun! " sigaw ko kay MB. Pinitik ba naman noo ko. Ang sakit kaya nun.
" Hoy! Matunaw na si Earl! " sabi niya.
" Ehhhh? Masama bang tignan siya? "
" Eh iba na yang tingin mo. "
" Ano bang problema nun sa akin? Laging nakasimangot ngayon sa akin. "
" RR, ikaw lang rin makakasagot niyan. Ano? Halika na? "
" Hah? Anong sagot? Aishhh!!! Sumasakit na ulo ko kakaisip. Bilhan mo ko ng isang gallon ng ice cream para mawala 'to. "
" Matitiis ba kita? Halika na. Alis na tayo. "
Inakbayan na naman niya ko. Porket ang tangkad niya! Pero ano bang sagot dun? Ano yun? Bakit ako lang makakasagot? Aish! Naguguluhan na ko.
Earl!!! Hindi ka pa ba tapos tumakbo sa isipan ko?
Itutuloy ...