Dedicated to: Seonahro----
Rei's POV
Hindi ko ba alam kung bakit parang tamad na tamad akong pumasok ngayon. Hay bakit nga ba?!
Pumasok ako sa room namin. Bigla silang tumingin sa aking lahat. Tapos sabay balik ng tingin sa kanilang ginagawa. Problema nila? Tumingin silang lahat sa akin. Maliban kay Earl. Tapos ang nakakapagtaka pa ... Sa likod siya umupo.
Nilapitan ko sila Axene pero kapag tatanungin o kakausapin ko sila ang iikli ng sagot nila tapos kibit balikat lang. May nagawa ba akong masama?! Feeling ko tuloy na-out of place ako dito. :(
Pumunta nalang akong library. Tutal maaga naman akong pumasok. Nakasalubong ko si Ms. Domingo at sinabing absent si Ma'am Lopez. Hahaha! Mabuti naman. :) Yay! Makakapaglaro kami. Ayyy... NaOP nga pala ako sa kanila.
Bumalik ako sa room namin para iannounce na absent si Ma'am.
" Guys! Absent si Ma'am Lopez kaya gawin niyo na yung gusto niyo basta 'wag lang kayong mag-ingay."
-- sabi ko sa kanila. Mukhang masaya na naman sila. Kasi syempre, una yung iba dyan di pa tapos yung mga gagawin nila. Pangalawa, magkokopyahan pa yan para matapos yung assignments. At pangatlo, ang saya kaya kapag wala pang teacher. Hahaha! Makakapaglaro ka pa. Pero sa sitwasyon ko... Mukhang hindi.Pumunta na lang ako sa pwesto ko at tumungo. Bahala na.
" Oy! Dugtungan tayo guys! " -- sigaw ni Glaiza.
Yung totoo?! Iniinggit ba nila ako?
-____- hays." Sige sige! Dugtungan tayo. Simulan natin sa babaeng nakatungo. " -- sabi ni Mikaela.
" Nakatungong babae na mukhang walang kaalam-alam. " -- Claire.
" Walang kaalam-alam sa nararamdaman ng isang taong malapit sa kanya. " -- Carolyn.
Waahhhh!!! Sino bang tinutukoy nila?!
" Isang taong malapit sa kanya na mahal na mahal siya noon pa man. "-- Axene
" Noon pa man ay siya ay sinusulyapan at nagnanakaw ng tingin. " -- Glaiza
" Tingin na kailanman ay pinagkait. " -- Claire.
" Pinagkait man ay hindi pa rin siya sumuko. Minahal pa rin niya ito. "-- Mikaela.
" Itong babaeng nakatungo. " -- Carolyn.
Inangat ko ang aking ulo. Waaahhh!!! Ang lapit ng mukha nila sa akin. Nakapalibot 'tong mga kupalogs kong kaibigan.
" Nakatungong babae na nagngangalang Rei aking mahal. "
-- Axene.Bigla silang nag give way. Parang may dadaan na kung sino mang tao yun. Biglang may tumayong lalaki sa likod. Naglalakad siya palapit sa akin. Oo siya.
" Aking mahal na Rei, pwede bang maging akin ka na lang? " -- Earl
Yung mga tingin niya sa akin. Itinayo niya ako sa upuan ko. Hala! Jusmiyo! Ano ito? Wahhh!!! Ito na ba yun?!
" Oy, Rei aking mahal... Tititigan mo nalang ba ako? Baka naman matunaw ako niyan. " -- kung pwede lang Earl. Naku! Aaraw-arawin ko ito. Hahaha!
" Tadyakan kita dyan eh! Hahaha. "
-- yun lang nasabi ko." Mahalin kita dyan eh. " -- sabi ni Earl. Bakit ba lahat ng binibitawan niyang salita ang lakas ng impact sa akin?!
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. Lumabas kami ng room at ewan ko kung saan ako kikidnapin nito. Pero kung saan man yun, okay lang. Hahaha basta kasama ko siya. Parang yung nangyari ngayon... Mala-anime.
Dinala niya ako sa rooftop. Kung saan niya sinabi na manliligaw siya sa akin na ewan ko ba kung nanliligaw nga ba siya. Ang labo niya kasi.
Nakatayo lang siya ako naman, nakaupo. Nakakapagod kayang tumakbo. -___-
" Hoy! Anong pakana mo kanina? Kinuntsaba mo pa yung mga kaibigan ko. "-- sabi ko sa kanya.
" Ayaw mo ba? Di ka ba kinilig? "-- tanong niya sa akin.
" Ako? A--ahhh ewan ko. Hehehe. Anyway, galit ka ba sa akin? "
" Bakit naman ako magagalit sayo? "
" Aba'y ewan ko. Bigla mo kong binangga kahapon e. Ang sama pa ng tingin mo. Bakit nga ba? "
Biglang tumahimik. Ang tagal niyang sagutin yung tanong ko. Tanging ihip lang ng hangin yung naririnig ko.
" Nagseselos ako. " -- Earl
" H--huh? Ano? Ano nga ulit? "
" Ang bingi mo naman. Nagseselos ako sabi ko. Pwede ka ng tumawa. "
Tatawa na sana ako pero nakakahiya sa kanya.
" A--ahhh kanino ka naman nagseselos? "
" Kanino pa ba? Kay Marbenj "
" HAHAHA!!! " dun na ko tumawa.
" Oh? Anong nakakatawa? "
" Hahahaha!!! Kasi naman hahah ano kasi hahaha!!! Si Marbenj, crush ko lang yun. "
" Yun na nga eh. Crush mo siya. Eh ako? Di ko nga alam kung anong meron sa atin. "
" May itatanong ako sayo. "
" Out of the blue ka naman kung magtanong. Ano yun? "
" Sino yung number 1 sa puso mo? Ako ba? " tanong ko sa kanya.
" Hindi. "
See? Hindi naman niya ko gusto. Paano ko malalaman kung anong meron sa amin? Tss.
" Huhu--- *sniff* Tignan mo? Hindi nga ako yung number dyan sa puso mo. Di mo naman talaga *sniff* ako gusto. Waahhhh huhuhu! "-- naiyak na ko ng tuluyan. Kasi naman epal siya.
Itinayo niya ako at iniharap sa kanya. Niyakap niya lang ako at sinabing ...
" Hindi ka number sa puso ko. Kasi, ikaw yung THE ONE KO. "
Niyakap ko rin siya. Waaahhh ang bango niya. *____*
Inaamoy nita yung buhok ko. Ako naman inaamoy ko siya. Hahaha nag-amuyan na kami. Ang bango niya kasi.
" Ano? Magyayakapan nalang ba tayo hanggang matapos ang araw na ito? "-- tanong ko sa kanya.
" Kung pwede nga lang na dito tayo buong araw gagawin ko. "
" May klase pa tayo. Balik na tayo. Masyado ka ng nagenjoy. Haha! "
Inalis niya na yung yakap niya sa akin.
" Ano? Ano na ba tayo ngayon? " -- tanong niya sa akin.
" Ewan ko. Basta ikaw yung THE ONE KO. :) "
Hinila niya na yung kamay ko. Ang hilig nitong manghila.
" Wala ka bang sasabihin sa sinabi ko, Earl? " -- tanong ko sa kanya.
" Masaya na ko kung ano ako sa buhay mo, Rei. "
Itutuloy .............
-------------
A/N: Sana nagustuhan niyo yung update ko na ito. :) Leave your votes or comments. ^__^ Salamat sa pagsuporta dito. Labyuuuu ♥♥♥