Rei's POVSimula ng nangyaring yun alam ko na kung gaano ko siya kamahal. Lalo kaming naging close. Parang bestfriend ko nga siya kasi parang iba siya sa pagkaka-akala ko. Gusto kong bumawi pero sa ibang paraan. Hahaha! Iiinisin ko siya. :D Tignan natin kung ganun pa rin siya sa'kin. Sikreto lang natin 'to guys ah.
Nakita ko siyang nakaupo sa labas ng room kausap yung mga kabarkada niya. Sisimulan ko na.
Earl's POV
" Naks naman pre! Dumadamoves ka na kay Rei ah! " -- asar sa akin ni Marion.
" Tigilan mo ko pare. " -- sagot ko sa kanya.
" Hindi ka ba kinikilig? Hahaha! " -- tanong naman ni Ray.
" Bahala kayo dyan. Di ko alam. Bas-- " -- naputol yung sasabihin ko ng biglang may nagsalita.
" Baks! Good morning! May tanong ako sa'yo. Personal nga lang sana wag mong masamain. " -- sabi ni Rei.
" Hoy! Wag mo kong ma-baks baks dyan. Sira na umaga ko. Ano 'yang tanong mo? "
" Oy, bakla ka raw? How true is that? Baks, totoo ba? Umamin ka! "
Tsanggalang yan! Ganun na ba kami kaclose simula nung nangyari sa rooftop? Problema niya? Di ako bakla syete!
" Ulots! Akala ko pa naman kung ano talaga. Kung ako si Baks, ikaw si Tombs. "
" Oh? Okay lang sa'kin. Akala mo naman mapipikon ako? Well, at least alam ko na babae talaga ako. Eh ikaw? Bakla ka raw?
" Uulit-ulitin mo talaga 'yang tanong na yan ah?! Tigilan mo ako Rei. Kapag ako napuno.... "
" Bakit? Anong gagawin mo kapag napuno ka? "
" Basta. "
" Sus! Ano? Sasabunutan mo ako? Kabaklaan lang naiisip mo. Hahaha! "
" Bahala ka sa buhay mo. Una na ako sa loob classroom, nakita ko ng naglalakad si Sir Yu. "
Lakas talaga ng topak ng the one ko. Ano nga ba ang gagawin ko kapag napuno ako? Sa totoo lang, hindi ko naisip kasi hindi naman ako nagagalit talaga. Naiinis oo, pero hind ko makuhang magalit sa kanya kasi nga mahal ko siya.
* Lunch time *
Lunch time na. Ang daming tao sa canteen pero puro itong si Rei ang nakikita ko. Lakas lumamon ng tombs ko. Dalawang extra rice, adobo yung ulam niya tapos bumili pa ng lasagna. Teka, sinabi ko bang tombs ko? Hala! Nahahawa na ko!
" Hoy Baks! May sasabihin ako sa'yong importante pero palibre muna ng coke. "
" Ano yun tombs? Takaw mo kasi e. "
" At least ako kumakain ng marami para busog eh ikaw? Bakla ka talaga. Palibre lang eh. Makaalis na nga. Mahawa pa ako ng kabaklaan mo. "
" Teka, ano nga yung sasabihin mong importante? "
" Ahh yun ba? Deh, itatanong ko lang. Oy, bakla ka raw? Gora na aketch! Babayu! "
Kita mo yun? Hindi nawawala yung tagline niyang " Oy, bakla ka raw? " Tss. Lagi na niya yang tinatanong. Lagi nalang.
***
" Good morning baks! "-- yan na naman si Rei. Baks ng baks ipasok ko siya sa box eh. -___-
" Hoy yan ka na naman. Tigilan mo ko Rei. "
" Oo nga, bakit ka ba ganyan kay Earl? "-- tanong ni Ace kay Rei.