Rei POV
Kinakabahan ako para mamaya. Tinawagan ko si Mikaela .
* ring ring ring *
Whooo! Bilis sumagot ?
" Hello, Rei! " - sabi ni Mikaela.
" Saan ka? "
" I'm here at Sweet's Heaven Cafe. "
" Okay. Hintayin mo na lang ako dyan. "
At binaba ko na ang telepono.
Sa Sweet's Heaven Cafe~
Nakita ko na agad siya. Paano ba naman? Siya agad yun. Siya lang yung maganda. HAHAHA. Biro lang.
" Hello Mika! "
" Oh, buti nakarating ka na. Ano? Ready ka na? "
" Yes. Just make sure na walang mababago sa akin ah. Baka kalbuhin mo ko. HAHAHA. "
" Grabe? Di noh. Trust me. Let's go? "
" Saan tayo pupunta? "
" Basta. Just follow me. "
Pumunta kami sa isang boutique. WOW. AS IN. WOW OH WOW! Ang laki ng mall.
" Mika, sa inyo ba ito? "
" Yup! My dad gave it to me. Hobby ko kasi ang fashion."
" Eh bakit ako nilapitan mo? Hindi naman ako maganda. "
" Ayan ka na naman, 'wag na matanong, basta maganda ka. "
" Okay. Sabi mo eh. "
Sa Clothes Shop~
"Welcome Madam. Bakit po kayo napabisita rito? " Isang baklang lumapit sa'min .
" This is my friend. Rei. Rei, siya yung mag-aayos sa iyo, meet Layla. "
" Ano pong gagawin ko sa kanya madam? "
"Ikaw na ang bahala. Basta gusto ko lumabas pa rin yung tunay niyang kagandahan. More like simple but elegant. I'm gonna get her some clothes to wear.
" Mukhang di na ko mahihirapan madam. Maganda na po si Madam Rei. Sige po. Ako na po ang bahala sa kanya.
Nakakaloka yung ginawa sakin ng baklang 'to. Nilagyan niya ng highlights ang hair ko. Yung dulo lang tapos black na black na hair ko. Tapos ang daming nilagay. Wala naman magbabago sa'kin .
After 12345678 years ..
Grabe! 2 hours and 15 minutes ... Dumating na din si Mikaela .
"Wow! All I can is WOW! " - sabi sa akin ni Mikaela.
" Ulots. Ito may piso ako dito. Wala namang nagbago sa'kin eh. "
" Nakita mo na ba sarili mo? "
" Hindi pa. "
" So , halika muna. And wear this. "