Author's note: Ciao! Naayos ko na rin yung story na 'to kaya makakapag-update na ko. :) Salamat sa pagsuporta! Keep on reading and enjoy! Labyuuuu ♥
-------------
Rei POV
Natapos ang nakakalokang pagcoconfess sa akin ni Earl. Ayun nganga kaming parehas sa test ni Ma'am Latorre. Diba nga napalabas kami kahapon dahil sa kakulitan ni Earl. Tae kasi siya! Pag ako bumaba talaga. Hayyy.
After 1 hour~
Tapos na kaming magtest at feeling ko talaga na mababa ang makukuha kong score. At saka wala akong review-review. Remember? Kakatapos lang ng intrams namin. Psh.
" Okay class, return the paper to the owner for re-cjecking and recording. " sabi sa amin ni Ma'am Latorre.
Agad namang nagsitayuan ang mga kaklase ko para ibigay ang mga papel na winasto nila sa kanya-kanyang may-ari at para na rin hanapin ang mga nagwasto sa kanilang mga papel.
Patayo na sana ako nang mapadaan sa harap ko si Mikaela na nakita kong binigay yung papel ni Earl.
" Oy Mikaela, pakibigay naman kay Axene oh. Hehe. Salamat! "
Nakangiting pakiusap ko sa kanya. Tutal magkatabi lang naman sila ng may-ari ng chineck kong papel, minabuti ko na lang na ipaabot sa kanya yung papel ni Axene. Masyado kasing magulo yung room sa tuwing ganito ang nangyayari. Ang daming nakatayo at paikot-ikot sa classroom eh, pasensya naman.
" Rei. " tawag sa akin ni Chael kaya napalingon ako sa kanya na nasa harap ko pala. Sa pinakaharap kasi ako nakaupo. Nakita ko naman na nakalahad yung papel ko sa harap ko na hawak-hawak niya.
" Bagsak? " tanong ko sa kanya habang inaabot ang papel ko at di tinitignan ang score ko. History test 'to eh. Baka bagsak ako.
" Oo. " seryosong saad niya kaya nanlaki ang mata ko at napatingin sa papel ko.
36/50 Bwisit!
" Hahaha! Biro lang! " natatawa niyang sabi saka ginulo ang buhok ko at umalis na sa harap ko bago ko siya bigwasan. Ang saya niya talaga pag napagtitripan niya ko.
Akala ko pa naman, babagsak na naman ako. Nakarinig ako ng pag-tss sa tabi ko kaya napatingin ako kay Earl. Eh siya lang kasi ang katabi ko. Pader na sa kabila.
Uhm. Baka bagsak siya? Hahaha! Weh? Imposible!
" Oy Earl, mali ako sa number 16 pero chineck mo. Wrong spelling yung Byzantine ko. Naging i yung y. " napatingin ako kay Mimi na nakatayo sa harap ni Earl habang nasa desk ni Earl yung papel niya. Napatingin naman si Earl sa kanya.
" Ah pasensya na. " malumanay niyang sabi saka binilugan ang number 16 sa papel at pinalitan ang score na isinulat niya. Agad din namang umalis si Mimi at pumunta sa likod kung saan siya nakaupo. Nakita ko pang sinundan siya ng tingin ni Earl.
Syempre maganda eh. Matangkad ( Well, matangkad naman din ako. ) Maputi. ( Duh! Hindi ako maitim. ) Matalino. ( Next please. ) Maganda ulit. ( Change topic. )
Tss. Whatever! Hindi ako nagseselos ah, curious lang. Feeling ko kasi crush ni Mimi si Earl eh, pwede ring crush ni Earl si Mimi. Teka nga, eh ano naman?! Konting tinginan lang, binibigyan ko na ng meaning!
Eh ano naman Rei?! Kaasar! Pero tulad ng sabi ko, hindi ako nagseselos. Curious lang.
" Oy Claire, anong score mo? " tanong ko kay Claire habang nakalingon sa likod dahil sa may likod ko siya nakapwesto. Ayaw kong mabadtrip. Mag-aaral akong mabuti para di bumagsak kaya dapat good vibes lang.