Nagsimula sa "hi" at "hello"
At unti unting naging mas malapit kahit layo ay kilo kilometro,
Walang pakialam sa mundo,
Sapat na SAKIN na ikay kausap ko
Kahit sa chat lamang
Nanlalamig Ang mga kamay
Katagang " KUMAIN kna" akoy nahihiya pa,
Ngunit pangambay mawawala
Pag nag reply kang " cge IKAW den Kain kana"
Walang kasiguraduhan Ang nararamdaman,
Ngunit akoy walang pakialam,
Hindi mo man alaM kung ano Ang nararamdaman ko,
Ngunit sapat na SAKIN Ang ganito,
Na hindi mo alaM Ang tinitibok ng puso ko
Iisipin ng iba na akoy tanga,
Kung bakit hinangaan Kita kahit di Kita nakikita,
At sasabihin nilang walang kapalit Ang nararamdaman ko,
Dahil akoy Isa lamang na TAGA hanga mo
Masakit isipin na tama ang sinasabi nila,
Na ako sayoy walang Pag asa ,
Lalo nat nararamdaman ko sayoy hindi ko pinagtatapat ,
Natatakot lamang akong iyong iwasan,
Pag iyong natuklasan
Minsan tinatanong ko Ang SARILI ko,
"Bakit ganito?Marami akong naka chat pero bat para sakin ikaw lamang Ang sapat?"
Umaga,tanghali at maging gabi,
Reply molang para SAKIN Ang may silbi
Natatakot akong umamin SAYO,
Dahil baka ikay magbago,
Oo iisipin mong ambisyosa ako,
Pero ANONG magagawa ko?
Huli na, gusto na Kita
Kahit alaM kung mayroon kang iba
BINABASA MO ANG
"LIWANAG AT DILIM"
Poetry"Hindi masabi sabing nararamdaman ngunit naipaparamdam at nasusulat ng lapis at kamay📄✍"
