MATA

5 2 0
                                    

Sabj nila nakikita ang lungkot sa mga mata
Nakikita ang saya sa mga tawa
Nauunawaan ang isang bagay dahil sa pandama
At mas lalong minamahal natin ang isang tao dahil sya ay nagpapakatotoo

Oo aminin na nating hindi lahat nakakaintindi
Ng pagkakaiba ng hiwaga ng mata at at pag unawa sa sarili
Ngunit kung ating huhukayin ang isang bagay
Malalaman nating ito pala ay may malalim na taglay

Sa mata natin makikita ang totoo
Sa mata natin maiintindihan ang kanilang pagkatao
Kung sila ba ay may prinsipyo
O kung sila ba ay totoo o nagbabalat kayo

Mata ang susi sa katotohanan
Upang malaman ang katauhan
Katauhan na hindi nararamdaman ng pandama
Pero naiintindihan at nakikita ng mga mata

"LIWANAG AT DILIM"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon