Sa bawat araw na ibinigay ng diyos
Sila'y parang nauupos
Sa katawan ay wala namang galos
Pero pakiramdam nila sila ay naka gaposSamot saring tumatakbo sa isipan
Hindi na nila alam kung ano pa ang pagtutuunan
Problema sa pag- ibig, pamilya maging paaralan
Hindi na alam kung pano pa masosolusyunanAlam nyo yung pakiramdam na walang nanakit?
Pero dama mo ang sakit
Yung pakiramdam na marami kang kasama
Pero sa sarili mo ikaw lang mag isaHindi makatulog sa gabi
Kayat nakaupo na lamang sa isang tabi
Habang tulalang nakamasid sa kawalan
Habang tumutulo ang mga luha na di mapigilanMadilim na kapaligiran
Lugar kung saan nila gustong puntahan
Magmukmuk at sarilihin na lamang
Ang mga bagay na di kayang labananPagkain ng tama ay di mapagbigyan
Maging pagsasalita kanilang di magawa
Makikita mo na lamang silang namumutla
Dahil sa hindi pag tulog at pagkain ng tamaNgunit kung ating iisipin
Depresyon ay kaya nating alisin
Kung may pananampalataya tayo sa taas
Na sya lang sa atin na nagliligtas
BINABASA MO ANG
"LIWANAG AT DILIM"
Poetry"Hindi masabi sabing nararamdaman ngunit naipaparamdam at nasusulat ng lapis at kamay📄✍"