2: Friend Request

7 0 0
                                    

Passing at the bypass road, alam ko na malapit nakami sa Los Baños

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Passing at the bypass road, alam ko na malapit nakami sa Los Baños. Buti nalang talaga at wala na masyadong sasakyan kaya mabilis ang byahe.

"Malapit na tayo Dan." Putol niya sa katahimikan.

Tumango nalang ako. Kasi ang tahamik na ih. Merong tanong saking isipan na gusto kong itanong kay Sir Finn.

Hayyst, wag nalang at tsaka na lang baka magalit sakin si Sir.

Nagmuni muni muna ko, 3:30 na ng madaling araw, nahihiya parin ako kay Sir Haha. Pero he insists naman daw ih.

After couple of minutes nakarating na kami sa Los Baños. Bigla na lang nag salita si Sir.

"It brings back memories." Natutuwang bangit niya.

"Bakit naman po Sir?" Tanong ko naman sa kanya.

"Eh kasi dito din ako lumake, mga 12 to 16 dito nako, lagi kami non sa Freedom Park sa U.P, kakain ng---," naputol ang sinasabi niya. "Masyado na ba akong madaldal?" Inosenteng tanong niya sakin.

Ako naman ay na tatawa sa kanya.
"Hindi naman po Sir, natutuwa nga po ako kase may nakakausap ako."

"Baket, introvert ka ba?" Tanung niya. Dina niya tinuloy ang kwento niya.

"Umm, opo dina po ako sanay makihalubilo sa tao kase po--." Diko na tinuloy ang sasabihin ko dahil pumasok nanaman na isip ko yung bagay na dapat kalimutan kona.

"Oh Im sorry to what I just ask, no need to answer it. I think is private." Saad niya sakin na para bang nakaramdam siya na private na yun.

Ngumiti nalang ako. Kala ko nakalimutan ko na yun. 5 years na nakalipas mula nung nangyari yung kahihiyan ko non.

"Dan, saan kaba dito? " Tanung ni Sir sakin.

"Samay Umali Subdivision po." Sagot ko sa kanya.

"Talaga ba? Anung street kayo don?" Gulat na tanung niya.

"Sa Mt. Pulog po Sir" sagot ko sa kanya.

"What a coincidence, dun nga yung bahay nung Tita ko, kapatid ni Mommy." Tuwang tuwa sabi niya.

Nagulat ako dahil dun pala sila, ibig sabihin yung medyo lumang bahay na maganda parin naman don ay sa mga Bautista. Sa side ng nanay niya. Grabe nakakatuwa naman.

"Eh Sir, bakit dina lang po kayo don mag palipas ng umaga, kase po baka may mang yari pa po sainyo, kailangan niyo narin po mag pahinga."

"Pwede rin naman, check ko kung mag gising pa sa kanila, I'm sure matutuwa si Tita kase matagal nakong hindi umuuwi dito, pero baka pagkaguluhan ako dito bukas Dan, alam mo na HAHAHAHA." Sabi niya sakin, habang tinitingan yung phone niya, habang mag drive, sanay na siya nag drive habang nag cellphone palagay ko. Kasi parang saulo na niya. Sabagay wala naman ring tao at sasakyan. Kaso ang kinakatakot ko ay bukas, baka pag kaguluhan siya don, marami siyang fans dito.

Ayun pumasok na kami sa subdivision. Hanggang sa nakarating na kami samin.

"Saan kaba dito?" Tanung niya.

"Ah Sir, diyan po sa may apartment." Turo ko sa kanya.

"Ah sige sige, nag reply na yung tao sa bahay ni Tita. May gising pa naman daw." Sabi niya sakin.

Napatango tango ako. Tumigil nayung sasakyan niya sa tapat ng apartment na tinitirahan namibg dalawa ni Mama. Hayystt, buti nalang talaga at nakarating din ng ligtas.

"Uh Sir. Maraming salamat po sa paghatid, maraming thank you po ss inyo, and thank you rin po sa wori na binigay niyo. And yung secret po I promise po to keep quiet." Sabi ko sa kanya.

"Thank you den sayo, pagkakatiwalaan kita, see you tomorrow ng hapon." Tipid na sabi niya sakin.

"Sige po sir, thank you din po, bye po."
Bumaba na ako ng kanyang sasakyan at nag paalam na.

Nagtaka ako nag iba ang expression niya nung nasabi ko yung secret niya. Sobra talaga ang tiwala niya sakin.

Umalis na ang kanyang sasakyan at pumunta na don sa bahay ng Tita niya, ang swerte ko naman at malapit lang pala dito bahay ng aking idol.

Pumasok na ako sa gate ng apartment, buti nalang at may susi ako dahil na ka lock na ito.

Sobrang pagod nako at bukas may trabaho pako ng hapon. JUSKO LORD malaki nanaman ang eye bags ko bukas.

Pagpasok ko sa bahay, syempre nakita ko si Mama na mahimbing na ang tulog sa sofa. Lumapit ako sa kanya para gisingin at sabihing nakauwi nako.

"Ma, gising na po naka uwi napo ako." Sabi ko sa kanya habang dahan dahan ko siyang tinatapik. Agad naman siyang gumising at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Buti naman anak at umuwi ka na, alalang ala ako sayo kanina. Buti nalang talaga at ang swerte ng anak ko." Masayang saad niya sakin. "Biruin mo, isa sa mga idol ng marami, hinatid ka dito sa atin na napaka layo." Niyakap na naman niya ulit ako.

"Ay nako Ma, ang saya mo masyado. Oo nga po, buti nalang mabait siya, at buti nalang talaga at ginawa niya akong personal photographer niya Ma, malaki din ang sahod kaya Ma may pambili na tayo ng maintenance niyo." Niyakap ko na din siya ng mahigpit.

Ginantihan niya namabmn din ako ng mahigpit na yakap ulit. "Ang swerte swerte ko talaga sa anak ko, malas ng tatay po iniwan niya tayo. Hindi niya alam na swerte ka. Mahal na mahal kita anak." Tuwang sabi niya sakin.

Buti nalang talaga at masaya parin si Mama kahit na iniwan kami ni tatay. Syempre ako hindi masaya.

"Sige na Ma, tulog na tayo. Bukas nalang tayo ulit mag usap dahil mag aalas 4 na ng umaga hahaha." Birong sabi ko sa kanya. "Oo nga anak, tarana at umaga na nga."

Hinatid ko muna si Mama sa kwarto niya at nag goodnight na kahit umaga na. Ako naman ay pumunta na sa kwarto. Naligo ako at nagbihis ng pantulog, kailangan kong maligo kase amoy alak at sigarilyo ako. Pinatay ko na ang ilaw at syempre binuksan ko muns phone ko. Andaming notification, mula sa Facebook, Instagram at nanlaki mata ko sa gulat.

Finn Rodrigo sent you a friend request.

YAWAAA!!! Nabagsak ko ang cellphone ko sa mukha ko, potek. Gulat na gulat parin ako. Pinindot ko yon then pumunta na sa profile niya. As usual maraming followers pero ang friends niya. POTEKK!!! Nabagsak ko ulit yung phone ko sa mukha ko, may bukol na siguro yung noo ko, medyo mabigat din kase. Gulat na gulat ako kase isa lang friend niya at ako yon. GRABEE bakit ganon Lord, ganon bako ka santa para maranasan ko ang mga ganto. Mamaya ay may nag chat sa messenger ko. OMG si Finn.

Natawa naman ako sa chat niya goodmornight hahaha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Natawa naman ako sa chat niya goodmornight hahaha.

Tapos yon hinart react niya yon. Potek heart lang yun pero kinikilig nako, syempre idol mo ka goodnightan mo.
Makatulog na nga kasi may trabaho pako bukas, I mean mamaya palang hapon, haysst umaga na nga pala.

To be Continued

Behind the Camera (On Going) IDOL SERIES#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon