Madaming mga model ang nasa loob ng studio, yung iba mga model sa ibang bansa at yung iba local, diko alam kung bakit lahat sila naka bathrobes, mapa babae at mapa lalaki mga naka bathrobes. Agad akong nag tanong kay Rachel, "Umm, Rachel---." "Wag mo na akong tawaging Rachel masyado ka namang formal, Rizz nalang."
Napa tango nalang ako sa sinabi niya, "Okay, Rizz may tanong ako, ba't parang lahat ng model eh naka bathrobes. What kind of photoshoot is this like endorsement ng mga luxury na bathrobes, ganon?" Napa tigil si Rizz sa pag lalakad at tumingin sakin saka hinampas ako sa aking balikat, napahawak naman ako sa balikat ko kasi hinampas niya ako eh nagtatanong lang naman ako. "Danny, hindi ba nasabi sayo ng amo natin kung anong photoshoot ito?" Umiling ako sa kanya, maya maya ay tinaas niya ang kanyang kamay at may itinuro sa bandang kaliwa ko.
Para akong nang hina sa nakita kong logo ng isang clothing line, Bench at narininig ko si Rizz na humagalpak sa kakatawa.
"Nako Danny, you are so lucky today, makikita mo ang hubad at naka underwear na Finn Royce Rodrigo." Agad namula ang pisngi ko sa sinabi ni Rizz kasabay non ay ang pag tulo ng pawis ko, para akong nanlamig at kinabahan, di ako ready na makita ang naked body ni Sir Finn, oo at isa ako sa diehard fan niya but diko ginawa ang pantasyahan ang body niya at ang lalo na ang kanyang hayssstttttt jusko Dan, bala kana Lord saken sana di ako mataranta sa kanya.
"Hoy Danny, para kang balisa diyan wag ka mag-alala, alam ko naman na professional ka pag dating sa pagkuha ng mga larawan ni Sir Finn" tinapik tapik niya ako sa likod. "Kaya Goodluck sayo mamaya, iiwan muna kita dito at mag observe ka haha, check ko lang si sir kung ready na siya inaayusan nadin kasi siya sa dressing room niya. HAHA bye Danny."
Naiwan akong tulala, na tila pinoproseso pa ng utak ko ang mga sinabi ni Rizz, makikita ko ang naked body ni Sir Finn na ang tanging saplot lang ay brief, JUSKOLORD !!! ayaw ko na sa earth, hingang malalim, kamay sa dibdib, relax Dan relax, wag kang kabahan at wag pagpawisan, pag kalma ko sa sarili ko.
Diko maintindihan kung bakit ako ganto, sadya ba talagang ganto ako ka birhen para mataranta kung makakakita lang ako ng mga naka hubad at naka brief lang na lalaki. Napa face palm nalang ako, at nag observe sa paligid.
Kinuha ko na lang muna ang camera sa bag ko, at nag browse ako mula sa mga recent shot ko, napa ngiti naman ako sa una kong nakita, kuha ko nung concert ni Sir Finn habang nakanta siya sa stage. Ang perfect ng shot ko sa kanya kahit na candid shot lang na feature parin ang perfect niyang face, jawline, red lips at ang kanyang mala greek god na mukha. Naalala ko ulit yung araw nayon kung saan nalaman ko ang totoo.
Totoo kaya na hindi talaga nila mahal ang isa't isa, si Sir Finn at Miss Vivien totoo kaya na iba ang gusto nila at hindi ang isa't isa. Masyadong maganda si Miss Vivien at babaeng babae siyang gumalaw para maging isang tomboy, Si Sir Finn den masyado siyang pogi para maging gay. Sana naman hindi totoo at perfect talaga relationship nila, kung totoo man humanda na sila sa walang katapusang panghuhusga ng mga toxic na tao sa mundo.
BINABASA MO ANG
Behind the Camera (On Going) IDOL SERIES#1
RomanceFinn Royce B. Rodrigo, is your ideal type of men, he's so perfect from head to toe, he's an award winning actor and a singer. Even his relationship with an non showbiz girl is perfect. Their relationship is perfect, and you can consider them as a p...