"Let's go na Danny, ako na aalalay sayo." saad ni Rizz. Natawa naman ako sa kanya, "Ha? Kaya ko naman Rizz hindi naman ako nabaldog." asar ko sa kanya.
"Sorry pala ha Danny, may sakit ka pala sa puso tas pinlit pakitang uminom." Ako naman ay nagulat sa sinabi niya, "Wala yun ako din naman hindi ko alam na maysakit ako sa puso." sagot ko naman sa kanya.
Palabas na kami sa likod ng ospital, wala ngang masyadong tao dito. Tama nga si Finn. May kasama kaming mga bodyguards kaya safe talaga kami sa media.
"Sakay na kayo." saad ni Finn.
Si Miss Vivien naman ay iba ang sinakyan, "Bye Dan, ingat kayo ha! Bye Royce." paalam ni Miss VIvien. "Thank you Vivs." sabay beso ni Finn, nakita ko naman si Rizz na kinikilig sa kanilang dalawa. Sa porche niya pala ulit kami sasakay.
"Sir, una na po ako sainyo, may pupuntahan pa po ako ih." saad ni Rizz na agad ikinabigla ko. "Are you sure? Pwede naman kitang ihatid." paalala ni FInn.
"Naku hindi na po, may naghihintay po sakin sa labas." mabilis niyang tugon. "Okay, ingat ka Rachel." sagot naman ni Finn.
"Sige po sir ingat po kayo ni Dan." at tumingin siya sakin. "Ingat ka Danny ha, bye." paasar niyang saad. Sabi ko na nga eh may balak talaga to si Rizz eh.
"Let's go Dan." napatingin naman ako kay FInn. Tumango nalang ako at pumasok sa loob.
"Kayo na bahala, ingat kayo diyan." sabi niya sa mga guards niya. "Yes po Sir, ingat rin po kayo." saad nila.
Syempre sa front seat paren niya ako pinaupo. Agad kong kinuha ang cellphone ko para mag check ng update kay MJ. Wala naman siyang text or anything. "By the way Dan, kinausap ko si MJ kanina at sinabi ko kung anong nangyari sayo. Sinabi ko naman na wag silang mag-alala dahil okay kana." paliwanag niya.
"Thank you po." sagot ko sa kanya.
Napatingin naman siya sakin, kahit ako nagulat sa pag tingin niya. "Let's go na." mabilis niyang saad. "Eh, F-Finn pa hapon palang po, hindi po ba kayo dumugin samin?" saad ko sakanya.
"No it's fine daw nandun si MJ and sabi niya wala daw masyadong tao doon sa labas niyo." sagot niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko at napa tango-tango nalang ako. "Ihahatid mo talaga ako?" tanong ko sa kanya.
Gumuhit naman ang ngiti sa kanyang mga mapupulang labi, lumalim nanaman ang paghinga ko dahil sa mga matatamis niyang ngiti. "Yeah, alangan naman na pabyaan kita mag byahe after na nangyari sayo." medyo seryoso niyang sabi.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. "Why blushing?" banggit niya.
"Hindi ah, baka epekto lang ng gamot kanina HAHA!" pagak kong tawa. Sana nalusot ko talaga.
Mahaba-habang byahe ito kaya siguradong mahihirapan nanaman akong ma kontrol ang sarili ko hanggat nagiging close kami. Para ma cut ang katahimikan ay may na isip akong idea, "Pwede ba tayo mag patugtog sa dash stereo?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Behind the Camera (On Going) IDOL SERIES#1
RomanceFinn Royce B. Rodrigo, is your ideal type of men, he's so perfect from head to toe, he's an award winning actor and a singer. Even his relationship with an non showbiz girl is perfect. Their relationship is perfect, and you can consider them as a p...