Playlist #9: The Truth

8 2 0
                                    

Playlist #9: The Truth

Lindsey Gabrielle Ibañez's Point of View

"H-Hello?" Napabalikwas naman ako sa isang tinig na gumulat sa aking likuran. Kanina pa pala ako nakatingin sa bintana ng aming silid-aralan at nagmumuni-muni.

Nilingon ko naman ang pinanggagalingan ng tinig na iyon at isang hindi pamilyar na lalaki ang tumambad sa aking harapan.

Isang estudyante at nakasuot pa rin ng uniporme ng unibersidad. Sa tingin ko'y hindi pa siya umuuwi. Malamang, Lindsey! Bawal kaya ang civilian outfit kung hindi naman wednesday!

Oh! Bukas na pala ang civilian's outfit day! May maganda pa naman akong maisusuot and then I will make Austin stun at my gorgeousness.

"Miss, hindi ka pa ba uuwi?" mahinahon ngunit malalim ang kaniyang tinig.

"M-May hinihintay pa po kasi ako, kuya."

"Ila-lock na kasi ang room. Pwede ka bang sa labas na lang maghintay?" he gently ask, he's not rude at all.

"S-Sige." Inayos ko na ang upuan na ginamit ko kanina sa pagmumuni-muni sa bintana at lumabas na rin ng silid-aralan.

"By the way, I'm Jace Oliver Alcaraz. Huwag mo sanang ipagkamali pero sideline ko itong pagtulong sa janitor ng campus. Ako iyong taga-check kung nakasara na ba ang lahat ng classrooms bago ako umuwi. Ibinibigay ko rin iyong susi sa janitor at binibigyan din niya ako ng kaniyang parte sa tuwing magtatapos ang linggo. Ikaw, bago ka lang dito?"

He's a hardworking student. No wonder if he's trying to study hard. I think he's not so rich?

"Ako naman si Lindsey Gabrielle Ibañez, nice to meet you by the way." Nakipagkamay naman ako sa kaniya at tinanggap naman niya iyon. "Transferee ako rito at na-curious lang ako kung bakit hindi nilinis iyong room namin?"

"Madaling araw nililinis ang mga rooms. Kailangan kong pumasok nang maaga para tulungan sina manong janitor para maglinis ng mga classrooms. Nang sa gayon, bibigyan niya ako ng one thousand peso allowance for a week. Hindi ka maniniwala pero ang daming gustong maging janitor dito dahil ang taas magpasahod ng campus."

Nakarating na kami sa labas at inila-lock na niya ang room namin. "Pa'no ba 'yan, ingat ka. Mauna na ako." Sabay kaway niya ng kamay habang naglalakad papalayo sa akin.

May kakaiba sa kaniya. Parang na-curious ako sa katauhan niya.

"Lindsey!"

Napasinghap ako dahil sa tinig na iyon. "Austin!" Napalingon ako sa kaniya.

"Sorry medyo natagalan. Na-bored ka ba rito?" Naalala ko iyong lalaking nagngangalang Jace. "May problema ba?" alalang tanong niya sa akin. Napailing-iling naman ako habang iwinawasiwas ko ang kamay ko. "Wala naman. Hindi naman ako na-bored. Actually, may dumating nga ritong isang katulong ng janitor para isara iyong room namin."

Napalingon siya sa pintuang naka-lock. "Kaya pala nasa labas ka."

"At saka hindi ka maniniwala na may hitsura siya! Matangkad, gentle ang pananalita at clean cut ang buhok. Sayang 'di ko natanong kung ilang taon na siya..." Hindi ko maintindihan kung bakit kumunot ang noo niya.

"N-Naka-student u-uniform siya, crush."

"Nakita ko yata ang lalaking iyon. I mean, nakasalubong sa daan," seryosong wika niya.

Teka, jealous ba siya? Bakit naman?

"Wala na iyong kasama mo kanina?" I need to divert the topic. Baka kung ano mangyari!

"Umuwi na sila."

Dumidilim na rin ang kalangitan at nasa isip-isip ko na umuwi na.

Hindi pa rin siya nagsasalita matapos niyon.

"Let's go na?" Marahan naman siyang tumango at nag-half smile. Ang cute!

"Akin na iyang bitbit mo."

"Huh?"

Ngumuso siya sa direksyon ng aking bag. Nanakawin mo ba? Jusmiyo, pati puso ko sana!

Walang kamuwang-muwang kong ibinigay sa kaniya ang bag ko.

Inilagay niya sa harap niya ang bag niya habang ang bag ko naman ay nasa likod niya. Parang kuminang ang paligid, ang cute niya sa part na iyon at kinikilig ako!

Ang sweet niya!

Pero ooff, Austin! Paasa ka!

"Tara."

Tinanggap ko naman ang kaniyang braso at nag-akbayan kami sa isa't isa. Naglakad na kami patungo sa labas ng campus.

"Bakit kumunot noo mo habang dine-describe ko si Jace?" I teased.

"Wala lang."

"Jealous ang bestpren ko?" Sinundot-sundot ko naman ang kaniyang tagiliran at nag-react ang kaniyang katawan. Oh my! May kiliti siya roon?!

"H-Hindi nga, ahh!" usal niya habang kumakawag sa daliri ko na nasa kaniyang tagiliran at pilit na hinuhuli ang kiliti.

Ang cute niya palang magselos.

Pero ba't naman siya magseselos kung wala naman siyang feelings sa akin.

Magtatanong pa sana ako kaso nasa labas na pala kami ng campus at nakahanap na rin siya ng taxi na sasakyan namin pauwi.

Sa buong biyahe'y walang nag-imikan sa aming dalawa. Hayy, ano na naman mood nito?

Sa subdivision, habang naglalakad kami ay nagsimula na ako ng topic. "Wala ka ba talagang feelings sa akin, Austin? Ewan ko, robot ka ba?"

Napabungisngis naman siya roon. "Oo, naging sobrang stupido ko. Robot din ako minsan at tama ka. Pero kasi..."

Napabuntong-hininga na lang ako. "Wala ka talagang nararamdaman para sa akin?"

"Lindsey, ganito kasi iyan... Hindi pa naman natin gaanong kilala ang isa't isa. Gusto ko rin masiguro kung magkakaroon nga ako ng feelings sa iyo, dapat iyong totoo at sigurado na ako. Ayaw lang kita masaktan, Lindsey. Ayaw ko lang na pagsisihan mo na ikaw lang pala ang nagmamahal sa akin habang hindi ko iyong masuklian, dahil sa hindi ako sigurado sa iyo."

Did he really said that he doesn't want to make me hurt? Ang sweet niya.

"Love takes time, Lindsey. Let's enjoy this moment. Iyong chill lang."

"Pero pwede namang manatili iyong best friend na turingan natin sa isa't isa kahit tayo na, 'di ba?" giit ko.

"Baka kasi hindi pa ako sanay sa ganito. Mahiyain ako, Lindsey. Parang hindi ko kaya."

"Look, hindi kita pine-friendzone. My point is, I don't want to hurt you because we did a very fast and complex decision. I love you truly, Lindsey. I don't want to hurt you."

S-Sinabi niya bang i love you?

"Fine. We'll go with the flow. Let's enjoy being with each other. Pero umaasa ako na maging officially tayo sa future. Hindi kita susukuan, Austin."

He pinched my nose. "Good thing hindi ka galit."

"Masaya kang kasama. Ayaw ko nang mawala ka pa sa buhay ko."

"Ang swerte ko naman pala kung ganoon." Napabungisngis siya kaya naman nahawa ako.

"Ooff, crush naman, ihh! Ba't ba na-fall ako sa 'yo?"

"Pogi ako, iyon lang iyon!"

"Kapal naman ng mukha mo!"

"Bakit, hindi ba?"

Napagdikit ko yata ang baba at balikat ko sa sobrang kahihiyan. "S-Slight lang," matinis at pabebe kong usal. Natawa naman siya.

"Sabi ko naman sa iyo, ih! Pogi talaga ako!"

Hinapit ko siya't niyakap sa tagiliran noong mapansin kong nasa tapat na pala kami ng aking bahay.

"Thank you sa harana mo sa akin kanina. I really appreciated it."

"I can do all things just for you." Bahagya kaming naghiwalay at nagtitigan lang muna.

"Someday, I will love you as you imagined." He cupped my chin and slowly... I felt a hot lips on mine.

Waaaa!

Obscurn Zorn ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon