HIM: LEVI
"Do you have a wish?"
Napailing nalang ako.
Ilang beses niya na itong inulit at ilang beses ko na rin siyang sinagot. It's useless if I just keep on answering.
Nakaupo siya sa tabi ko habang nagmamaneho ako. Kanina ko pa nahahagip ang mata niyang nakatitig sa akin.
Napabuntong-hininga ako.
"May nais---"
"I swear if you utter one more word, I'm gonna slit your fucking tongue and silence your damn mouth with it." I'm lying. I won't hurt a girl. Only low lives do that. Just like the bastard me in the past. Napailing nalang ako sa sarili.
Tumahimik na siya, tanging tunog ng aircon ang naririnig. Finally.
Kinalabit niya ako.
May pinakita siya sa akin na papel at may nakasulat dito.
'May gusto ka bang patayin?'
Napakunot ang noo ko at nilingon siya, binalik niya ang tingin ko.
Inagaw ko ang papel at tinago sa bulsa ng aking jacket.
She acts like a doll. Lahat ng ginagawa niya, napakawalang buhay.
Tinigil ko ang kotse sa harap ng Eduardo Memorial Hospital.
"Out."
Hindi siya kumibo.
I reached out and opened her car door. "I said out. Andito na tayo."
Pinahiram ko sa kanya ang PE shirt ko para punasan ang sugat niya.
"Ibaba mo nalang ako sa ELCMS." Sa paaralan ko? Napatingin ako sa suot niya, napansin niya ito. "Mag-eenroll palang ako kaya wala akong uniporme." Paliwanag niya, hindi naman ako nagtanong.
Pinaandar ko nalang ulit ang kotse. Hindi na siya umimik simula noon, panay lang ang kagat sa labi niya.
Shit. Why am I noticing even the smallest stuff?
Bigla kong tinigil ang sasakyan, muntik na siyang masubsob. Umubo ako para matakpan ang tawa.
Inangat niya ang kanyang ulo at tumingin sa paligid. Nasa tapat kami ng campus.
"Dito na ako." Wika niya.
"Your name?" Tanong ko, nakatitig ako sa manibela. "Name?" Ulit ko.
"Hindi mo naman maaalala eh." Biglang dumilim paningin ko. Mas marunong pa siya sa akin.
"Mina." Mina.
Tinitigan ko siya. "Mina, ok, the door is fucking open. Now get out. Don't worry, I won't forget. Hindi ako tatakas sa ginawa kong pagbangga sayo." I may or may not hit her with my car. Hindi ko alam ang nangyari, nakita ko nalang siyang nakabulagta sa harap ko. I didn't even notice her presence.
Binalik niya sa akin ang pinahiram kong t-shirt, para itong pinaliguan sa dugo. Nice.
"You'll forget eventually." Narinig ko ang pagbukas sara ng pintuan ng kotse.
...
Nagulat ako nang may kumatok sa bintana ng sasakyan. Inangat ko ang tingin ko at napansin kong andito na pala ako sa parking lot. How did I get here so fast?
Ngumiti si Hope at kumaway. Binuksan ko ang kotse at sinara gamit ang paa ko.
"Hey babe."
"Don't call me, 'babe'. Hindi ako biik." She crossed her arms and pouted cutely. "Sino yung babae kanina?"
"Who?"
"Yung babae kanina na lumabas sa sasakyan mo! Nakabunggo ko pa nga siya eh! Kahapon pa lang naging tayo, may iba ka na! Hmph!" Girls and their jealousy.
I ignored her and planted a kiss on her cheeks. "Morning."
"I'm serious, Levi." Irap niya habang hinahawakan ang namumulang pisngi. "Sino nga?"
"No one. Why would I meet anyone other than you?" I don't pick up random girls for joyrides. Not anymore. It's history, nagbago na ko.
"Because I'm not good enough--" Inakbayan ko siya.
"Shhhh. Don't ruin our first day as lovers." Wala siyang tiwala sa kanyang sarili. She doesn't know what kind of spell she casts on me to be this taken to her.
Tumunog na ang school bell. Naglakad kami papunta sa Senior High Building. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid at nakatitig sila sa inaakbayan ko. May ilang babae na nakataas ang kilay kay Hope. Pinasadahan ko sila ng tingin, mabilis silang yumuko at tumakbo palayo sa amin. What the fuck is wrong with them? Always bringing others down with them. I abhor them so damn much, they fucking deserve to get hurt.
"Levi." Saway niya sa akin.
"Sorry babe. Old habits die hard." Nginitian ko siya.
She sighed.
Hope jumped in shock because of the sudden phone call, cute. I sent her away before turning the phone off. Istorbo. Binalik ko ito at may nakapang papel, binuksan ko ito para tingnan ang laman.
'May gusto ka bang patayin?'
I almost laughed. Why would I? They're already dead.
Hindi ito sulat ni Hope at lalong hindi ko 'to sulat. Who the hell wrote this?
Binaliktad ko ang papel dahil may nakasulat pa sa likod.
Eduardo Memorial Hospital.
Four on the clock.Find me.
-MinaNgunit ang pinaka-nakakuha ng atensyon ko ay hindi ang kakaibang salita kundi ang pamilyar na pangalang nakasulat dito. Mina.
BINABASA MO ANG
The Wish Code #Wattys2016
FantasiaDo you have a wish? A wish for seeking revenge? A wish filled with hate? A wish that brings death? Your wish is granted. Don't worry. We won't ask for compensation. Enjoy in hell. Pray while you can. - WOE ARE THEM This is only suitable for mature a...