IV

33 5 7
                                        

Dalawang araw siyang hindi lumabas ng bahay kaya hindi niya mapigilan ang pagkasabik sa hawak na libro na tinago niya pa sa pinakasulok ng silid-aklatan para walang makakita. Abala siya sa pagnamnam ng bawat pahina at pagkabisa ng bawat salita nang may narinig siyang bulungan sa katabi niyang upuan.

Hindi siya nakatiis at tumungo sa tahimik na parte ng library. Pinagpatuloy niya doon ang pagbabasa nang marinig niya ulit ang mahihinang boses ng dalawang estudyante sa harapan niya.

"Oh my glob. Seryoso ka?" May bakas nang pagkabigla sa boses nito.

"Tengene. Umuwi ka na nga, naiwan mo ata yung utak mo! Leche."
Nakarinig siya ng parang may nauntog at nang pag-aray.

"Kalma. Langyang babae 'to! Hindi ka naman namatayan!"

"E kasi sa lahat pa nang naaksidente, si fafa Kenneth pa! Bakit hindi nalang ikaw o ang librarian nating pinaglihi sa mangga!" Nagpanting ang tenga niya, tinigil niya ang pagbabasa at sinarado ang libro.

Dinala siya ng sariling mga paa sa pwesto ng dalawa, parang may sarili itong buhay. "Nasaan siya ngayon?" Hindi niya alam kung bakit niya iyon tinanong. She usually doesn't care for Seekers. Why? Because she resembles them. She's a sinner too.

Nagulat man ang dalawang magkaibigan sa biglaang pagsulpot ni Mina, sinagot din naman siya ng isa dito na may kapayatan. "A, nasa hospital po." Bahagyang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Did he die?

Napakamot nalang sa ulo ang kasama nito. "Bakit namin sasabihin? Sino ka ba huh?!" Bulyaw nito na nakaani din ng isa pang bulyaw sa librarian.

"Where?" Desperation was evident in her voice.

The two students shared a look, a confused one. "He's currently admitted to Eduardo Memorial--" Hindi na pinatapos ni Mina ang babae at tumakbo na siya palabas nang tahimik na library. Nagkaroon ng kaunting pag-asa ang puso niya. He wasn't dead, thank God.

Tinunton niya ang Parking Lot kung saan nakaparada ang motor niya. Dali-dali niya itong pinaandar at mabilis na linisan ang paaralan. Muntik nang masagasaan ang estudyanteng nakasalubong niya sa gate. Hindi niya binigyang pansin ang sandamakmak na mura nito at sa halip ay pinaharurot pa lalo ang motor.

Hindi na siya nag-abalang iparada ng maayos ang sasakyan, dumiretso na si Mina sa building ng hospital. Tumungo agad ang dalaga sa Nurses Station. "Miss." Tawag niya sa isa sa mga tauhan doon. Abala ito sa kausap sa cellphone. "Miss!" Sinabayan niya na ito nang kalabit. Lumingon ito sa direksyon niya, halatang iritado.

Binaba nito ang phone na hawak."Yes Ma'am. May I help you?" Ngumiti ito sa kanya ngunit halatang pilit.

"Do you know a patient named Kenneth--," Natikom ang bibig niya. Kumunot noo ang babaeng kaharap niya.

"Ma'am? Okay lang po kayo?" Tanong nito.

"Yeah. Forget it, thanks anyway." Bahagya siyang ngumiti at marahang humakbang sa kabilang direksyon.

Nakalimutan niyang Kenneth lang ang alam niya at hindi ang buo nitong pangalan. Baka nga palayaw lang nito iyon. Nakayuko siyang naglakad, hindi niya namalayan na may papunta din sa direksyon niya. All papers went flying in the air, she panicked and hurriedly picked it up. Halos hindi na ito mukhang papel nang ibinigay niya sa nakalahad na kamay. "I'm so sorry." Inangat ng dalaga ang tingin, nagitla siya sa mukhang pamilyar sa memorya niya.

Nakangiti itong tumango."No harm, no foul."

"Sorry talaga." She has a bad habit of bumping into someone. It stems from her lack of presence. "At thank you." Bulong niya. Hindi niya kasi nagawang pasalamatan ang doktor na nag-asikaso at gumamot sa binti niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wish Code #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon