TU 17

1.6K 42 11
                                    

Rosie P.O.V.

NAGISING ako dahil may naramdaman akong nakadagan sakin. Kaya naman nang idilat ko yung mata ko, nakita ko si jisoo-unnie na natutulog sa tabi ko.

Napangiti ako dahil sa itsura nya. Nakaupo matulog. Napansin ko din na ang ganda nya pala talaga.

Kaya nagtataka ako kung bakit sya nagkagusto sakin. I mean, sayang naman yung kagandahan nya.

Wala akong sinabing wala akong gusto sa kanya, i mean sino ba namang hindi magkakagusto sa isang jisoo. Eh kung tutuusin perfect sya sa lahat.

Ayun nga lang may pagka immature which is ayun yung isa sa mga nagustuhan ko sa kanya.

Okay... Fine. May gusto ako sa kanya, pero hindi pa ko ready dahil sa mga nangyari sakin.

Give me time jisoo-unnie. Maibabalik ko din lahat ng magagandang ginawa mo sakin..

Nakita ko syang gumalaw kaya naman pumikit ako tsaka inantay syang bumangon. Nang makabangon sya tsaka ako humangon.

"Gising ka na pala. May gusto ka bang kainin or inumin?" Agad na tanong nya.

"Meron pero ako na kukuha,magpahinga ka na muna jan sa sofa. Mahaba naman yan, ako na bahala." Nakangiting sabi ko.

"No... Ako na kukuha, bawal ka daw munang magkikikilos dahil may mga test oa na gagawin sayo." Napatayong sabi nya.

"Ano pang itetest sakin? Eh wala na din naman akong nararamdaman na kakaiba. Parang nagsasayang lang ako ng oras dito sa ospital. Tsaka gastos pa." Reklamo ko.

"Mas mabuting sigurado tsaka kami ang nagrequest nun. Kaya no choice ka kung hindi ang mag stay jan okay."si unnie.

Hindi ako sumunod sa kanya at tumayo na ako para kumuha ng tubig pero tatayo pa lang ako bigla na lang akong nahilo.

"Sinabi ko naman sayo eh. Wag kang makulit." Suway nya sakin.

"Bakit ganon. Hindi naman ganito yung pakiramdam  ko nung mga nakaraan." Takang sabi ko.

"Malamang. Hindi ka naman tumatayo nun noh. Pano mo malalaman kung may nagbago sayo. Aish.. maupo ka na lang para hindi ka gaano mahilo.." sabi nya sabay inalalaya nya ko para makaupo..

Nitong mga nakaraang araw. Masyado na syang napapagod dahil sa pagbabantay nya sakin. Halos araw-araw ko syang nakikita sa loob na nag-aayos. Kung hindi sa pag-aayos, sa paglilinis. Parang halos araw araw kapag tulog ako naglilinis sya.

"Unnie. Magpahinga ka na muna. Ilang araw ka nang pagod eh." Ako.

"Ano bang sinasabi mo? Halos wala nga akong ginagawa eh. Nakakatulog pa ako." Sabi nya. Hindi sya nagsasabi ng totoo..

" Oh. Bakit ganyan ka makatingin? Para namangmay nakakaawa sakin." Nakangiting sabi nya.

Hindi ako nagsalita. Ewan wala akong ibang maisip kung hindi sorry. Alam kong OA pero kasi ayun talaga yung nararamdaman ko eh.

"I'm sorry unnie. Sorry talaga. Sorry." Hindi ko na napigilan yung sarili ko.

Hindi sya nagsalita.

Nakatingin lang sya.

Hindi kumikilos.

Kaya mas lalo akong napaiyak dahil sa ginagawa nya.

Nang walang ano-ano, bigla syang lumapit sakin at yumakap.

The unexpected (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon