TU 20

1.7K 47 22
                                    

Lisa P.O.V.

KANINA pa nakaalis si unnie at hanggang ngayon wala pa din sya. Inabutan na nang hating gabi.

Kasama ko as usual si jennie,nagbabantay.

Si rosie naman kakagising lang kaninang hapon. Parang wala nga lang sa kanya eh.

Kanina pa din sya tanong ng tanong, kung nasaan na si unnie. Sumasagot ako pero malayo sa tanong. Ayokong sakin malaman ni rosie yung usapan namin ni unnie.

Pati si jennie nagtatanong na din. Wala naman akong magawa dahil ayoko talagang sabihin.

"Yah. Lisayah. Kanina pa ako nagtatanong dito. Hating gabi na. Wala pa din si unnie." Ayan na naman sya.

"Hindi ko nga alam. Baka kumuha lang ng gamit mo. Hindi lang talaga nagpaalam." Palusot ko.

Bakit kasi ang tagal ni unnie. Ako nahihirapan dito eh..

"Kanina mo pa sinasabi yan eh. Wala ka nabang ibang masagot?" Yare kay baby jennie ko.

"Ang kulit nyo naman kasi. Kanina lang kami nagkasama. Tapos bigla na lang umalis. Tsaka aalis lang naman yun kung kukuha ng gamit ni rosie o may bibilhin. Masyado kayong aneng jan." Sabi ko sabay lumapit kay nini.

Hindi ako pinapansin nito kanina. Dati rati naman sya ang unang lumalapit.

"Bakit ang sungit mo? Meron ka ba o gutom ka lang?" Sinubukan kong magbiro, pero ang balik eh yung beautiful eyes nya hehe..

Kaya naman umayos na ako ng upo.

Lumipas ang halos isang oras na katanungan ni rosie na paulit ulit, sa wakas nagtext na din sakin si unnie.

"Lis. Malapit na kami. Wag mo munang sabihin kay rosie."

"Bilisan mo lang dahil halos makabisado ko na lahat ng letra sa tanong ni rosie. " Ako.

"Nasa parking na kami." si unnie.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas nandito na sila. Kaya naman sinabihan ko na si nini. Baka magtampo pa eh.

"Nandito na sila unnie." Bulong ko.

"Sila?" Takang tanong ni nini.

"Sinabi na ni unnie sa parent ni rosie." Bulong ko ulet.

"What?! Eh bakit hindi nyo muna sinabihan si rosie? Baka mamaya magalit sya." Napalakas pa talaga.

"Shhh.. Baka mamaya marinig ka. May dahilan naman kami tsaka kahit anong gawin namin, magagalit at magagalit si rosie. Kaya lang si unnie ang gumawa dahil hindi na din maganda yung relationship nila." Grabe, muka akong tanga na nakasubsob yung muka ko sa tenga ni jennie parang sabihin yun.

Bigla akong hinampas ni jennie.

"Aray naman. Bakit mo naman ginawa yun?" Takang tanong ko.

The unexpected (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon