TU 1

12.4K 162 8
                                    

Lisa P.O.V

Nagising ako sa alarm clock ko. Naalala ko,1st day of class pala. 8 pa pasok ko pero nag alarm ako ng 5 kasi yun na yung naging routine ko. Ginawa ko na yung daily routine ko..

Pagkatapos lumabas muna ako para maglakad lakad. Eto yung gusto ko kapag madaling araw,napakatahimik... kahit papano nawawala lahat ng stress ko ng panandalian dahil sa katahimikan. Stress reliever kumabaga..

Pagkatapos kong maglakad lakad napadpad ako sa tulay,sa malapit,merong mahabang upuan,umupo ko para magpahinga. Habang nagmumuni muni,may narinig ako. Parang kumakanta,kaya pinuntahan ko kung san yun, ang ganda kasi ng boses nya, ang sarap sa tenga. Napadpad ako sa isang malaking puno, I think nasa park ata ako,ewan..

Medyo lumapit ako sa puno,at tama ako nandon nga yung kumakanta. Kasi nakita ko yung half ng guitar na tinutugtog nya kaya nakita ko.. Sumandal ako sa puno kung san sya nakasandal. Masyado nyang feel yung kanta,kaya siguro hindi nya ako napapansin..

Natapos sya sa kanta nya ng akmang tatayo na sana ng sumigaw sya.

Ahhhh"sigaw nya." Wag mo kong sasaktan"sabi nya habang nakapikit. Ano ako masamang tao..

"Wait.. hindi ako masamang tao" sabi ko.

"Hoo akala ko naman kung sino na eh..."mahinahon na sabi nya.

Hindi ko napansin na ang cute nya pala sobra kasi naman natakpan yung muka nya ng buhok ng tumayo sya..

"Ang ganda pala ng boses mo"sabi ko.

"Ahh ehh.. hindi naman"hiyang sabi nya.

"Bakit pala nandito ka. Ang aga pa sobra." Nasabi ko ng wala sa oras. Dapat naakalis na ako eh. Kaso nakakawalang galang naman kung aalis ako.

"Bakit?masama bang pumunta dito ng maaga"sarkastiko nyang sabi sabay balik ulit sa cute face.

"Wala namang masama dun... ahh sige aalis na ako ipagpatuloy mo na lang yung ginagawa mo kanina naabala pa tuloy ki--"

"I'm park chaeyoung "rosie" na lang."singit nya sabay abot ng kamay para makipag shake hand...

"I'm lisa" sabi ko sabay abot ng kamay..
"Mauna na ako. May pasok pa ako mamaya eh.. Byeee." Paalam ko sa kanya at umalis na. Nakakabastos pero ayoko na ng scene na yun hahaba pa eh..

"Nice to meet you!!!"sigaw nya..

Rosie P.O.V

Yah ang cute nya kahit ang lamig nya haha..
'Lisa' hmm. Parang bago lang sya dito kasi halos lahat kasi ng tao sa village nakita ko na,sya na lang siguro yung hindiang naglalalabas,kaya siguro ang puti ehh..

Pero nakakatakot pa din..

FLASHBACK

Naalimpungatan ako,nagutom ako eh. Pagkatapos kong kumain,matutulog na sana ako,kaso hindi na ako dinalaw ng antok,kaya lumabas na lang ako, dala yung favorite guitar ko. La lang naisipan ko lang dalhin..

Habang naglalakad ako,nakaramdam ako ng pagod kaya pumunta na lang muna ako sa park,syempre tumambay ako sa fav place ko,sa malaking puno. Kumportable kasi,kesa sa mga upuan doon. Dahil sa wala akong nagawa,kumanta na lng ako. Wala naman sigurong makakapansin kasi madaling araw palang..

Naparami ata ako ng kinanta kaya siguro hindi ko napansin na may nakikinig pala sakin. Nakakahiya..
Dahil hindi sya gumagalaw napagkamalan kong may balak kaya napasigaw ako..

Ahhhh"sigaw ko." Wag mo kong sasaktan"sigaw ko habang nakapikit. Hindi ko na tinignan kung anong muka nya,basta ung aura nya ang lamig..matatakutin pa naman ako hays..

"Wait.. hindi ako masamang tao" sabi nya,kaya alam kong hindi nga. Kaso ang cold ng pagkakasabi nya..

"Hoo akala ko naman kung sino na eh..."mahinahon na sabi ko.. mabuti na lang..

Napansin kong tulala sya..

"Ang ganda pala ng boses mo"sabi nya. Nakakahiya pero ang cold pa din.

"Ahh ehh.. hindi naman"hiyang sabi ko..

"Bakit pala nandito ka. Ang aga pa sobra." Nasabi nya habang tumatayo sa pagkakasandal sa puno..

"Bakit?masama bang pumunta dito ng maaga"sarkastiko kong sabi pero nagpa cute pa din hehhe

"Wala namang masama dun... ahh sige aalis na ako ipagpatuloy mo na lang yung ginagawa mo kanina naabala pa tuloy ki--"

"I'm park chaeyoung "rosie" na lang."singit ko sa sinasabi nya,sabay offer ng shake hand...

"I'm lisa" sabi ko sabay abot ng kamay. Cold pa din..
"Mauna na ako. May pasok pa ako mamaya eh.. Byeee." Paalam nya sakin at umalis na nga..

"Nice to meet you!!!"sigaw ko.. at tuluyan na syang nawala...

END OF FLASHBACK....

Hayss.. naalala ko na naman sya at naalala ko pala na papasok pa ako,1st day pa naman ayokong ma-late..

Umuwi na ako at ginawa na yung daily routine at sa kalagitnaan ng ginagawa ko.. naalala ko na naman yung kapitbahay ko,hindi naman sa walang tao parang hindi lang sya mahilig magbukas ng ilaw,madalas pag gabi siguro nagaasikaso para kumain,ganon..

Hindi ko na muna inisip kung anong meron sa kapitbahay ko inalala ko yung car ko hindi ko pala napalagyan ng gas. Hayss..eto nagagawa ng pagkanta ko,nakakalimutan ko yung mga dapat na gagawin ko. No choice, commute time..

Naglalakad na ako papunta sa  gate ng village,kasi nandon pa yung sakayan papunta sa university ng biglang may nagbusina sa likod ko.. shettee

Ang lake lake ng daanan tapos sa side ko pa dadaan, nakakainis. Muntik pa ako atakihin sa puso

Ayun yung kinakatakot ko. Meron akong heart illness..
Ayon kay mom bata palang ako meron ng butas yung heart ko.. kaya noong bata ako masaya ako kasi alagang alaga sila. Pero ng mag teenager ako yung tutok nila sakin dati,ganon na yung tutok nila sa trabaho nila. Tinago ko na lang lahat ng sakit na nararamdaman ko kasi kahit i open ko sa kanila wala din silang pake alam. Kesyo 'mamaya na lang kasi may ginagawa kami', 'sige papacheck up tayo bukas'pero hanggang ngayon wala pa din,kaya ako na magisa yung pumupunta para sa check up...

"Wala ka bang kasabay''pagputol ng nasa kotse at nagpabalik sakin sa earth..Si lisaa..

"Ohh hi ulit lisa"masayang bati ko habang nakahawak sa dibdib..

"Sensya na,mukang nagulat ata kita."paghingi nya ng tawad.

"No.. ayos lang.. hindi ko lang nalagyan ng gas yung car ko,kaya eto lakad na lang hehe.."paliwanag ko..

"Sumabay ka na lang. San ka ba papunta?"tanong nya..

"Papasok sa kim's university"masayang sabi ko..

"Oww same pala. Tara pasok ka na baka ma late ka pa"alala nyang sabi..actually 6 palang eh hehe..

"Hindi na maaga pa naman ehh"sabi ko pero walang epekto sa kanya kasi bumaba na sya at hinila ako papasok..

"Nahihiya ka pa.. magkakilala naman tayo eh''malamig na sabi nya..

"Hayy.. okay.. wala naman akong magagawa ehh"nahihiya kong sabi.'' Btw anong grade mo na sa kim's university?"

"Tranferee ako,Senior high,Grade 11.."sabi nya habang tutok sa kalsada..

"Ahh same pala.. Pero hindi ako transferee" sabi ko af tumango lng sya.

Pagtapos ng mahabang katahimikan sa loob ng kotse,nakarating na kami sa university. Nauna na akong bumaba and nagpaalam para hanapin yung room ko..

Inabot ang mahabang taon. Charottt..
Nakita ko na din yung room ko,nakakainis lang kasi nasa 4th floor. Habang tinitignan ko yung name ko sa listahan may bumulong sakin.. alam ko na kung sino
yun..ang lamig eh.. hehe si Lisa lang hehe..

"Ohh hi ulit ulit lisa"pabiro kong bati sa kanya. Pero hindi man lang pinansin yung joke ko.

"Hi din chaeng."malamig na sabi nya tapos dumeresto na sa loob.. ABM din kinuha nya??Hindi man lang sinabi..exciting tuloy..

A/n: Chaelisa na muna hehe...

The unexpected (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon