TU 16

1.9K 38 7
                                    

Jennie P.O.V.

Akala ko normal na sakit lang ang meron si rosie. Pero nung sinabi na ng doktor yung buong kalagayan nya, Napuno na nang awa yung isip ko dahil kay rosie.

Masyadong malayo yung nakikita ko sa kanya para magkaroon sya ng ganong sakit. Pano nya lahat yung naitago samin. Well kasalanan din naman namin kasi hindi kami nagtatanong, at hindi namin nahahalata.

Tinignan ko si lisa, nakatulala lang sya. Hindi din sya nagsasalita, kaya hinayaan ko na lang sya.

Sakto namang kakadating lang ni jisoo.

"Ano. Ayos lang ba kayo? Kamusta si rosie?" Tanong nya.

"Tulog pa din sya. Sinabi na din samin ng doktor lahat. Nakakalungkot lang kasi sa kanya pa napunta yung sakit." Malungkot na sabi ko.

"Nagulat din ako. Hindi makapaniwala. Masyado syang positive sa buhay, kaya bakit meron syang ganon?" Nakita kong paiyak na si unnie kaya naman niyakap ko sya para patahanin..

Si lisa. Ganon pa din, walang reaksyon. Kaya naman lumapit ako sa kanya tsaka nagtanong.

''Yah. Lisayah. Bakit wala kang imik jan?" Tanong ko.

"Wala naman. May iniisip lang ako." Sinabi nya yun ng hindi tumitingin sakin.

Nakakapagtaka lang dahil masyado syang kalmado. Para bang may binubuo sya sa isip nya. Ewan, Ayoko na lang magtanong dahil ayokong magalit sya sakin.

Lumipas ang oras, pero hindi pa din gumigising si rosie. Si jisoo naman ay nagaayos ng mga gamit. Si lisa lumabas lang at may bibilin daw. Ako naman nakaupo sa tabi ni rosie.

"Unnie. Tanong ko lang, sinabihan mo na ba yung parent nya? Baka kasi mamaya nag-aalala na sila sa kanya." Tanong ko.

"Hindi ko alam. Baka nasabi na ng doktor." Ayun lang yung sinagot nya at pinagpatuloy na nya yung ginagawa nya.

Dahil walang magawa sa kwarto nakatulog ako..

Naalimpungatan lang ako nang may marinig ako na naguusap..

"Bakit mo naman kasi ginawa yun. Ayan tuloy napala mo. Tignan mo yang itsura mo parang nadaanan ng bagyo.." si jichu-unnie.

"Neyy.. ayos lang ako. Tsaka wag kang maingay. Baka magising mo si nini.." si lisa. Nirinig ko pang napadaing sya.

Dahan-dahan akong bumangon para hindi nila mahalata na kanina pa ako gising. Hihikab pa lang ako, nakita ko na kung anong itsura talaga ni lisa.

Agad agad akong tumayo tsaka lumapit sa kanya.

"Anong nangyari sayo ha! Bakit ganyan yung muka mo?!!" Halos maiyak na ako.

Ewan pero nitong mga nakaraan masyado na akong sensitive sa mga nakikita ko. Tapos madalas ko pa yum makita kay lisa.

"Shh.. hindi naman masakit eh. Tahan na.. baka magising si rosie nyan.." pagtahan nya sakin pero walang epekto iyon..

"A-ano bang ginawa mo h-haa.. bakit ganyan na yung muka... muka mo? Sabi mo bibili ka lang tapos...tapos eto na nangyari.." putol putol na sabi ko dahil ayaw tumigil ng luha ko.

The unexpected (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon