TU 15

1.8K 39 1
                                    

Jisoo P.O.V




Pagkatapos ng masarap na masahe bumaba na ako,sinabi kasi ni tito na bantayan ko muna si jennie dahil gagabihin sila ng uwi ngayon and speaking of jennie nandito na sya kayakap si lisa. Aba naman talaga dinala dito ang kaharutan. char..

"Nandito na din sa wakas,akala ko kung saan ka na napadpad kagabi.."pang aasar ko. Napansin ko na parang galing sya sa iyak..

"Sina mommy nasan?"tanong nya at umupo na sa couch.

"Gagabihin sila,pinabantayan ka nila sakin. Kaya eto ako hindi pa din nakakauwi simula kagabi"pagpaparinig ko hehe..

"Umuwi ka na,si lisa na lang magbabantay sakin"malungkot na saad nya.

"Ayos lang ako.. wala din naman akong gagawin sa bahay kaya dito muna ako"palusot ko. Pero ang totoo wala lang talaga akong magawa sa bahay..

"Nga pala. Anong nangyari at ganyan ang pagmumuka mo?" Takang tanong ko.

"Pabayaan mo muna sya unnie." Si lisa na yung sumagot dahil mangiyak ngiyak pa din si jennie.

Hindi na ako nagsaluta dahil naiintindihan ko naman na may nangyari. Kaya naman pumunta na kang ako sa kusina at naghanap ng makakain..

Sakto namang may natira pang manok kagabi kaya naman minicrowave ko na lang ay baka masayang lang..

Bumalik ko dala yung manok at heto sila na naghaharutan na.. kanina parang drama lang ngayon naman.... hayss..

"Gusto nyo manok?" Tanong ko.

"Sayo na yan. Baka kulangin sayo eh.." si jennie sabay yakap kay lisa..

So may nangyare nga...

Sabi nila na akin na lang yung manok pero sila pa yung kuha ng kuha. Ano yun. Iba yung kausap ko kanina?

"Oo nga pala. Yung gagawin natin na research. Kelan natin gagawin yun?" Si lisa habang hinihimas tung ulo ni jennie..

"Oo nga noh.. nakalimutan ko na yung tungkol doon." Si jennie.

"Ano na plano natin doon. Baka mamaya malate tayo ng gawa doon..tsaka unnie pa send sakin ng mga kagrupo natin doon par masimulan na natin.." si lisa.

Pagkatapos ng usapan na iyon. Nagpaalam na akong lalabas at nagugutom ako ulet.

Papunta ako ngayon sa 7/11 kung saan ko nakita yung manlolokong yun. Bigla na namang akong nawala sa mood.. pagpasok ko bumili agad ako siopao at isang softdrinks, tsaka ako umupo doon. Pero bubuksan ko pa lang yung inumin ko eh nakita ko na naman si V. Ano pa ba, malamang kasama na nman nya yung girl na nakita ko nung nakaraan..

Dire-diretso lang syang pumasok. Mukang hindu ako napansin. Hanggang sa umupo sila sa likuran ko.

"Ano. Nagbreak na ba kayo ng  girlfriend mo?" Tanong nung babae.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba..

"Nagbreak na kami. Masyado na syang matanong eh. Nakakasawa na." Si V.

Nakaramdam ako bigla ng galit pero pinipigilan ko dahil ayokong mainvolve.

"Dapat inagahan mo. Masyado tayong nagugulo ng mga tawag nun sayo kaya minsan hindi matuloy kung ano g dapat matuloy.."yung babae.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tumayo na ako tsaka lumapit sa kanila..

"Miss. May iba pang vacant seat jan." Yung babae.

"Hindi seat ang kailangan ko. Yung kamay ko kasi nangangati na.." gigil na sabi ko.

Saktong lumingon si V kaya agad ko dyang sinapak.

The unexpected (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon