TU 10

4.7K 90 11
                                    

Rosie P.O.V





Pagkatawag sakin ni unnie,agad kong pinuntahan si lisa sa kabilang kwarto. Grabe sobrang lala ng nangyare sa kanya,kung sinasamahan ko lang dapat sa sya sa lahat ng lakad nya hindi sana nangyare toh..

Bigla na namang nagising si lisa..

"Ohh wag kang tumayo.. hindi ka okay.."alalang sabi ko sa kanya..

"Asan ako??"tanong nya habang hawak yung ulo.

"Nasa hospital ka..tsaka wag ka ngang mag gagagalaw.. baka bumuka yung sugat mo sa ulo.. ikaw kasi.. hindi ka man lang nagiingat.."hays. Wala na akong nagawa kundi ang pagalitan sya..

"Hehehe..oo nga pala sino naman yung nakakita sakin dun.. Si jennie ba?"tanong nya..

"Oo si jennie nga. Speaking of jennie,nandito din sya pero hindi para bantayan ka. Pinacheck up,dahil hindi din sya naging okay."pagkasabi ko nun nabakas ko sa muka ni lisa na nag aalala sya,pero bigla ding bumalik sa pagiging cold..

"Ahh ganon ba.. sige rosie tulog muna ako at kung dumating man sila pakisabi na din na natutulog ako.."cold na sabi nya at tumagilid na..

Lumipas nga ang saglit at nakatulog na sya,pero may nagsisisigaw sa labas kaya sinilip ko.

"Lisa!!"sigaw nya sa labas..

Agad akong lumabas at si jennie nga. Pero bigla nya na lang ako hindi pinansin at pumasok na ng diretso sa room ni lisa..

"Lisa!!...a-ayos ka lang ba?"bigla nyang sigaw at lumapit kay lisa..

"Jennie pabayaan mo muna si lisa na magpahinga.."kalmadong sabi ni jisoo-unnie...

"Ayos lang ba sya??kamusta naman sya??gigising pa ba sya??"tuloy tuloy na tanong jennie..

"Oo.... okay lang sya"simpleng sagot ko..

Agad na pumunta si jennie sa harap ni lisa at pinagmasdan.. mga ilang minuto nya din tinitiga si lisa,hanggang sa may sinabi sya...

"Si kai.." jennie..

"Anong kai?"tanong ni jisoo-unnie..

Bigla namang nagbago yung expression ni jennie,kung kanina parang takot ngayon naman nakakatakot.. totoo nakakatakot ngayon yung itsura nya..

"Si kai!!! Si kai yung may gawa neto kay lisa.."sabi mya habang galit na galit pa din..

"Heyy.. easy lang jen. Wag muna dito,nagpapahinga si lisa"pagpapakalma ni jisoo-unnie kay jennie..

Bigla nagbago ulit yung itsura nya. Naging malungkot naman,sabay lumapit ulit kay lisa at pinagmasdan...

"Hey. May problema ba kay ka--?"naputol yun ng sumenyas si jisoounnie sakin. May hindi talaga ako alam...

"Unnie pwede ba tayong mag-usap?"tanong ko kay jisoo-unnie. Tumango lang sya at lumabas na kami..

"Ano bang paguusapan natin rosie?"sabi nya pero hindi pa din nakatingin sakin..

"May nangyayare ba kay jennie? Bigla na lang kasi syang nagbabago ng mood. Oo alam ko na may paka moody sya pero iba yung kanina.."takang tanong ko...

"Hayss."pagkasabi nya nun humarap na sya sakin..

"May sakit si jennie.."bigla na lang nyang sinabi..

"Ano?!! Teka. Ano namang sakit nya at kelan pa??.."taka kong tanong. Tama nga yung hinala ko.

"****. Sakit sa pag iisip.. Actually matagal na nyang dinadala yun.. grades school pa lang kami. Lumala lang nung nag 2nd year na kami. Kaya rin medyo na late kami sa pag aaral kasi tumigil sya,syempre as a cousin nya kailangan ko syang batayan. Kaya nagpahinto na din ako para mabantayan sya ng maiigi"mahaba nyang paliwanag..

The unexpected (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon