Tatlong letra pero sandamakmak ang kwenta,
Tatlong letra pero kasama mo saan magpunta.
Dakila, pinagpala ng Maykapal upang magsilang,
Dakila,pinagpala nang maingatan kanyang nilalang.
Maaaring iba ang kataga or katawagan,
Maaaring mama, ina, inay or anu pa man.
Iisang ikaw, oo ikaw ilaw ng tahanan,
Iisang ikaw, oo ikaw tanglaw namin sa daan.
Siya ay pinagpala, mayaman at dakila,
Marapat na gawaran ng lahat ng supling.
Siya ay pinagpala, mayaman at dakila,
Marapat na tanawing huwaran ng supling.
Sila ay mapagmahal ng tunay,
Busilak, siksik, liglig, umaapaw.
Sila ay mapagmahal ng tunay,
Puso nila't buhay ating itanaw.

YOU ARE READING
Drops of Words
Poetry(First published) Just like story, poem can express a thousand meaning to one's feeling. Each words can have many meaning to every person. -Random Poems-