Tatlong letrang sandigan ng karamihan,
Tatlong letrang haligi ng tahanan.
Pinagpala upang magbigay pangangailangan,
Pinagpala upang magbigay ng tamang daan.Iba-iba man ang atin sa kanila itawag,
Kahit anong oras sa kanila pwedeng tumawag.
Iba-iba man ang atin sa kanila itawag,
Kahit anong oras sa kanila pwedeng maduwag.Iisang ikaw, iisang ama ng aming tahanan,
Iisang ikaw, iisang ama na aming susundan.
Anumang araw, oras o minuto, iaaalay kanilang araw,
Anumang araw, oras o minuto, iaaalay kanilang pananaw.Kasama man sila o hindi, marapat na sila'y pasalamatan,
Sa kanilang pagsusumikap mapa gabi man o araw.
Kasama man sila o hindi, marapat na sila'y galangin,
Sa kanilang mga paggabay sa atin sa anumang araw.

YOU ARE READING
Drops of Words
Poetry(First published) Just like story, poem can express a thousand meaning to one's feeling. Each words can have many meaning to every person. -Random Poems-