Sya ay isa sa mga taong bago ko lang nakilala,
Sa pagkakataong di ko naman inakala,
Nakilala ko ilang taon na din ang nakakaraan,
Sakin di nakakalimot kahit kailan man,
Di ko akalain na magiging halos kadugo ang turing,
Dahil sya ay naging kapatid na kadugo ang turing.Taong gusto kong makita magpahanggang ngayon,
Inaasam na makasama kahit pa man noon,
Sa kanya ako ay humahanga sa pagiging kung sino sya,
Taong may angking talino, galing na sa tao'y nakakasaya,
Di labis na batid kong totoo ba talaga ang mga iyon,
Pero pakiwari ko na sya nga ay ganoon.Taong tinuring kong nakakatandang kapatid,
Na naging sanhi ng tawagan noon na kapatid,
Sya ay naging isang magandang halimbawa,
Na nais ko din na gayahin sa hinaharap nawa,
Isang halimbawa na makakapagbigay tulong din sa iba,
Isang halimbawa na hahangaan din ng iba.Sya ay naging sandalan ko sa mga ilang tunggali,
Mga payo nya saki'y labis na nagbigay ng haligi,
Isa sa mga di nagsawang sumuporta,
Sa mga tunggaling puno akong ng kaba,
Sa tuwing nawawalan ako ng tiwala sa sarili,
Nariyan palagi ang presensya para humalili.Isa sa mga taong nais kong pasalamatan,
Lalo na sa kanyang angking kabaitan,
Sa walang sawang pag-intindi
at pakikinig,
Sa mga kwento kong nais iparinig,
Salamat kuya sa lahat ng mga iyon,
Baon kong mga alaala hanggang ngayon.Hiling ko sa Diyos na nawa'y ika'y pagpalain,
Na saanman dako ikaw ay laging palarin,
Nawa'y bigyan ka lagi ng malakas na resistensya,
Ilayo din sa anumang mga sakuna't disgrasya,
Na sana ay gabayan ka sa lahat ng iyong puntahan,
Paalalahanan na siya ay laging lamang nariyan.Sana ay makita kita sa naitakdang panahon,
Kung saan ang Diyos ang nag-ayon,
Mga kwento ko na nais kong sayo'y ibahagi,
Pati na rin ang mga kwento na nais mong ibahagi,
Marinig ang mga boses na magbibigay kulay sa mga kwento,
Mga alaala na maaari rin maging kwento,
Hihintayin ko ang pagkakataong iyon,
Kahit na hindi pa man ngayon.

YOU ARE READING
Drops of Words
Poetry(First published) Just like story, poem can express a thousand meaning to one's feeling. Each words can have many meaning to every person. -Random Poems-