Salamat dahil hinayaan mo
Na ika'y maging kaibigan ko
Salamat dahil hinayaan mo
Maging parte ng buhay ko.Pasensya dahil di sinasadya
Dahil tila nahulog ng bahagya
Pasensya dahil di sinasadya
Dahil tila ako ay pumalya.Masaya ako dahil masaya ka
Masaya ka sa piling nila
Masaya ako dahil masaya ka
Masaya ka na sa piling ng iba.Nalungkot ako dahil sayo
Nalungkot sa 'yong paglayo
Nalungkot dahil di na ako
Di na ako ang kaibigan mo.Hindi ko alam kung bakit,
Bakit ako sayo napalapit?
Hindi ko alam kung bakit,
Bakit pa ako naiinggit?Bago matapos ang taong ito
Nais ko ng ipabatid ito sa iyo
Minsan ako sa'yo'y nagkagusto
Ikaw saki'y napalapit ng husto.Pinilit ko itong itago sa iyo
Paraan para di magbago
Ang pakikitungo ko sa iyo
Paraan para di mapalayo.Siguro nga tuluyan ng nagbago
Ang pakikitungo ko sa iyo
Kaya ikaw ay tuluyang lumayo
At pumunta na sa ibang dako.Hangad ko ang kaligayahan mo
Kaya lahat ay tatanggapin ko
Tatanggapin ko ng buong-buo
Ang tuluyan mo nang paglayo.Huwag kang mag alala
Ito nama'y nakalipas na
Sa tingin ko'y nama'y wala na
At napagtagumpayan ko na.Marahil ang paglayo mo
Ang tumulong na mawala 'to
Salamat dahil lumayo ka
At ang damdamin ko'y nag iba.Salamat dahil nakilala kita
At nakapiling din kita
Sa maikling panahon
At mailkling pagkakataon.

YOU ARE READING
Drops of Words
Poetry(First published) Just like story, poem can express a thousand meaning to one's feeling. Each words can have many meaning to every person. -Random Poems-