francine
@luvfrncnfrancine
PRESIDENT!francine
hindi ako naniniwalang top 1 kafrancine
ni-hindi ka nga rin matalinojungwon
nang-aasar ka ba?francine
hindi nagsasabi lang ng totoofrancine
kasi kung matalino ka bakit hindi mo alam yung GMRC?jungwon
sino namang nagsabi sayo nan?jungwon
alam ko yan baka ikaw ang hindi nakakaalamfrancine
weh? sige ngaaaafrancine
anong meaning?jungwon
good manners and good conductfrancine
see? hindi ka nag-aaral ng mabuti kasi kung nag-aaral ka bakit hindi mo alam ang good manners and right crushback?francine
diba crush? beke nemenjungwon
hindi yan pag-aaraljungwon
kaharutan yanfrancine
sayo lang naman hihi-♡️-
napailing-iling na lang si jungwon sa pinagc-chat sa kanya ni francine at saka itinago ang phone sa bulsa ng kanyang hoodie. lumabas siya ng kwarto at natagpuan ang mom niyang nagluluto sa kusina.
"papahangin lang ako, mom!" paalam niya.
"okay, sweetie. take care!" ngiti lang ang isinukli niya dito at saka tuluyang lumabas ng bahay nila.
today is saturday and obviously there's no class kaya sinusulit niya ang mga ganitong araw dahil lagi siyang madaming ginagawa tuwing weekdays dahil na rin sa posisyon niya.
"hmm~" he hummed.
maganda ang araw ngayon, hindi nakakasakit sa balat ang araw at hindi rin mabanas dahil sa sariwang hangin. idagdag mo pa na napapaligiran ng malalaking puno ang dinadaanan niya.
"pushia! yawa, bumalik ka nga ditong pusa ka!"
nabalik sa sarili si jungwon nang marinig niya ang sigaw na 'yon dahilan para mapatigil siya sa paglalakad at mapatingin sa pinanggagalingan ng boses na iyon.
maging ang nagmamay-ari ng boses na 'yon ay napatigil ng magtama ang mga mata nilang dalawa. bahagyang naestatwa si jungwon samantalang ang isa naman ay napangiti ng malapad.
ka-chat niya lang ako kanina paanong nandito siya bigla? hindi makapaniwalang usal ni jungwon sa kanyang isipan.
"mister president, hellooooo!" lumapit ito kay jungwon.
"anong ginagawa mo sa street namin? malayo bahay niyo dito, di'ba?" nagtatakang tanong ni jungwon kay francine.
oh yas, siya lang naman ang nakita niya. destiny, i guess? charot.
natawa lang ang dalaga. "don't worry, crush lang kita pero hindi ako stalker. at saka nandito ako kasi hinahabol ko si pushia, 'yung pusa ni carl na maldita, nakawala kasi eh."
dahil doon ay hindi maiwasang mapakunot ang noo ni jungwon at sari-saring tanong ang nabuo sa kanyang isipan, pero hindi niya 'yon itatanong sa dalaga ng harapan.
"pushia!"
napalingon sina jungwon at francine doon at nakita si carl na ngayon ay hawak na ang pusang kulay orange. napatingin din si carl sa dalawa at napangiti ng tipid.
"nandito ka rin pala, jungwon?" bungad niya nang makalapit siya dalawa.
napataas ang kilay ni jungwon. "dito kami nakatira, ano sa tingin mo?" sagot niya na ikinatawa lang ni carl at francine.
hindi niya gusto mag-sungit pero ewan niya ba at pakiramdam niya ay may kung anong kumukulo sa loob ng katawan niya na para bang gusto niya na lang makipagdebatehan bigla.
no to basag-ulo si jungwon niyo, yes to debatehan lang daw kasi edukado siyang tao, lol. sana all.
"ang attitude mo, gusto mo palamig muna tayo?" hagikgik ni francine sabay hila sa braso ni jungwon na ikinagulat nito.
"h-ha?"
pero hindi lang 'yon dahil hinila din ni francine si carl sa braso kaya ang posisyon nila ngayon ay; nasa kanan si carl, sa kaliwa naman si jungwon at nasa gitna si francine.
"a-ano 'to?" nagugulat na tanong ni carl.
napangiti lang si francine ng napakatamis at isa-isang binigyan ng tingin ang dalawang lalaking nasa gilid niya. "magd-date tayong tatlo!"
BINABASA MO ANG
pres, pa-notice! yjw
FanfictionCOMPLETED. jungwon, guarded by fear- chose to prioritize his studies over relationships to avoid getting hurt. but his world turned upside down when francine entered his life. her presence shattered the walls he had carefully built and with her warm...