. . . ⇢ 38 ˎˊ˗

1.4K 64 51
                                    

"ano ba, umayos nga kayo!" sigaw ng mga nasa hulian sa mga nasa unahan na naghaharutan.

si carl, na kasaluyang nagbabantay sa karaoke booth ay napangiwi na lang. kasama niya rin si gia na napapailing-iling na lang sa mga estudyanteng nagkakagulo sa pila.

"pwede bang umayos kayo ng pila? lahat makakapasok sa karaoke booth kaya umayos na kayo kung ayaw niyong pagsasampalin ko kayo isa-isa." gigil na saway ni jean.

dahil doon ay nagsi-ayos ang mga nakapila at kasabay non ang pagdating nila jungwon at francine. napatingin doon si carl at napansin 'yon ni gia.

"carl-"

"ayos lang ako." agad na sagot nito kay gia.

gia's eyes soften as she saw carl's eyes, malungkot iyon at halatang nasasaktan kaya naman naisip niyang takpan ang mga mata ng binata at iharap sa kanya. nang buksan niya iyon ay nagtama ang mga mata nila, natigilan si carl at napangiti naman si gia.

"sa'kin ka lang tumingin at hindi ka masasaktan, promise."

"g-gia, thank you.."

"anything for you."

dahil doon ay unti-unti ding napangiti si carl at magsasalita na sana nang may biglang sumigaw mula sa likuran nila. napatingin sila doon at nakita sila francine at jungwon.

napangisi lang si francine. "kayo haaaaaaa! may vacant room sa may second floor ng music department building, doon kayo mag-loving loving!"

"h-ha?" hindi maiwasang mautal ni carl dahil sa sinabi ni francine. "h-hindi-"

"president! vp!" ang lahat ay napatingin doon at nakita si jean na hingal na hingal. "buti naman nandito na kayo, nagkakagulo na sila sa pila!"

"ha? sige, kami na-"

agad na pinutol ni gia ang sinasabi ni francine at hinarap si jean. "kami na lang ni carl ang bahala, hayaan muna natin ang president at vp." saka sumulyap sa dalawa na may makahulugang tingin.

"pe-"

"okay! sige, sige, kayo na bahala doon. kailangan ko muna gumamit ng banyo. bye!" nagmamadaling sagot ni jean at naglakad paalis pero agad din siyang napatigil saka nilingon sila jungwon at francine. "congrats nga pala sa inyo at stay strong! jufran lang malakas!"

naiwan namang natameme si francine habang si jungwon ay hindi maiwasang mamula. napatingin si francine sa paligid at napansing wala na sina carl at gia doon kaya si jungwon na lang ang hinarap niya para tanungin.

"a-alam nilang jufran ang ship name natin..?"

jungwon just shrugged off. "maybe?"

natawa lang si francine at pagkatapos non ay nilamon na sila ng katahimikan. pareho silang may gustong sabihin sa isa't-isa pero hindi nila magawa dahil pareho silang nahihiya.

hanggang sa napagdesisyunan ni jungwon na siya na ang unang bumasag sa katahimikang iyon. "u-uhm.. may kaunting salo-salo mamaya sa bahay, sabi nila dad imbitahan daw kita."

"h-huh? ano daw meron?" tanong ni francine.

"aalis sila mom at dad-"

"aalis?" napakurap-kurap si francine sa kanyang narinig at dahan-dahang napatungo. "i-ibig sabihin.. iiwan mo din ako."

natigilan si jungwon pero unti-unti din siyang napangiti at hinawakan sa baba si francine para i-angat ang tingin sa kanya. "silly, hindi ako kasama kaya hindi kita iiwanan."

"h-huh?" hindi makapaniwalang usal ng dalaga. "talaga??"

tumango lang si jungwon at mahinang natawa nang yakapin siya bigla ni francine ng mahigpit. niyakap niya din ito ng mahigpit at saglit na nanatili sa bisig ng isa't-isa.

"francine.."

"hmm?"

"naalala mo 'yung condition ko para samahan kita pumunta sa daddy mo? sa totoo lang, wala akong maisip that time. pero ngayon, alam ko na ang condition ko." sagot nito dahilan para mapahiwalay mula sa yakap ang dalaga at nagtatakang tumingin sa kanya.

"meron ka na? sige, anong condi-"

"be faithful to me francine."

hindi nakaimik si francine sa biglaang pagsasalita ni jungwon at napatitig lang sa kanya, ganun din si jungwon dito. pero agad ding nag-iwas ng tingin ang binata at napabuntong hininga.

"natatakot akong ipagpalit at iwanan.." muli niyang pagsasalita.

pero hindi pa rin nagsasalita si francine at dahil doon ay dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. doon ay napansin niya ang matamis na ngiti sa labi ng dalaga.

"jungwon.. kahit hindi mo sabihin 'yan, hindi kita ipagpapalit at iiwanan. kung ano man ang mangyari sa atin sa kasalukuyan, ipangako natin sa isa't-isa na sabay natin iyong lalabanan, hmm?" lintanya ng dalaga at lumapit para bigyan ng halik ang binata sa pisngi.

napatulala si jungwon pero agad din siyang napangiti at hinila ang dalaga para muling ikulong sa kanyang bisig. "pangako 'yan."

-♡️-

joy @joypark

CONGRATS JUNGWON AT FRANCINE YIEE JUFRAN WORLD DOMINATION!!! 💪

CONGRATS JUNGWON AT FRANCINE YIEE JUFRAN WORLD DOMINATION!!! 💪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

reply | retweet | like

replies:

jay @rasleader
KAYA PALA SABI KO PAMILYAR SAKIN YUNG JUFRAN KASI KETCHUP PALA YON HAHAHAHA CONGRATS!

heeseung @heeheehee
CONGRATS TUPA AT VP!!!

sunghoon @iceprince
congrats, magpakabait ka na jungwon
jungwon @shpgarden
MABAIT NAMAN KASI TALAGA AKO
heeseung @heeheehee
mabait? parang di naman HAHAHAHA

jake @simnotsimp
congrats and stay strongggg!

ni-ki @nishimura
hYUNG BAKIT MO KO INIWAN AKALA KO BA SINGLE POREBER?
jay @rasleader
si sunoo lang single dito kasi next ka na ni-ki!
ni-ki @nishimura
nope ako at ang pagsasayaw lang habang buhay
sunoo @brightsunoo
APAKA BASTOS JAY HYUNG HMP

sunoo @brightsunoo
CONGRATS SA INYO! IM SO PROUD OF YOU WONNIE HUHU BINATA KA NA TT^TT

charlotte @chrlttcakes
CONGRATS TUPAAAAAAAAAA <333

julie @liekim
awit doon sa STUDY FIRST mo pero congrats pa rin sa inyo

E N D

pres, pa-notice! yjwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon