Him
Marriage, marriage should be romantic, should represent love and affection. Where you and your significant other will be one.
But for me, it isn't.
It's like a cage, cage wherein I'm stuck, I can't breathe. It's suffocating the hell out of me.
I never dreamed of marrying Florencia Malolos, never once. I loathe her. Her and her family.
Forcing me to marry her, to save their company from bankruptcy? How pathetic.
"Denver?", I heard Florencia. The way she uttered my name with softness and tenderness disgusts me. "Hating-gabi na, hindi ka pa rin kumakain..."
I continued typing my report on my laptop, not glancing at her. "Fuck off.", she got stunned for a moment but I saw on my pheriperal vision the small smile she gave me.
She's always like that, whenever I go rude on her, she always reply on me with a smile on her face and immediately excuses herself.
I heard the door closed so I saved my work and cleaned the mess I made. Nakakapagod.
Agad kong inayos ang sarili at bumaba mula sa kwarto, bungad pa lang ng kusina ay nakita ko na ang pigura ni Florencia. Naka-dukmo sya sa may lamesa habang nakaharap sa iniinit niyang ulam.
Umiling na lamang ako at dumiretso sa refrigirator at kumuha ng tubig. Naramdaman ko naman ang pag-ayos niya ng upo at ang pagtikhim niya. "Uh... Nagugutom ka na ba? Saglit na lang yung iniinit ko, hindi mo kasi mae-enjoy ang nilaga nang malamig na...", here we go again with her softness. Ikinibit ko na lang ang balikat ko at umupo sa upuan ko. Tumayo naman sya, at kumuha ng mangkok at plato.
Sinandukan niya ako ng kanin at inilagay sa mangkok ang ininit na nilaga, nakalabas pa nang kaunti ang dila na halatang ayaw magkamali.
Her
Halatang pagod na pagod si Denver sa ginawa niya kanina kaya naman ako na ang nag-asikaso sa mga pinagkainan niya. Naubos niya yung natirang nilaga, sayang, kakain din sana ako.
Pagkatapos ay umakyat na ako, pero pumasok na muna ako sa kwarto ni Denver. Masyado ata ang galit niya sa akin kaya pati sa pagtulog ay nayayamot sya sa akin, hehe.
Nakita ko syang natutulog, yakap-yakap ang unan niya.
Sana all unan, ano?
You look so peaceful sleeping,
Denver...Lumapit ako sa kaniya at hinaplos ang kamay niya, tuwing sa pagtulog lang niya ako nakakalapit ng ganito.
Ilang minuto ang itinagal ko sa kwarto niya, sinayang ko yon sa pagtingin sa gwapo niyang mukha.
Alam mo Denver? Nakakainis ka. Oo na't ayaw mo na ngang magpakasal sa akin, bakit kailangan pang magdala ka ng babae sa pamamahay natin?
Tumulo ang luha ko sa kamay niya.
Rinig na rinig ko pa yung mga ungol niyo, Denver, ang kapal naman ng mga mukha niyo. Nagsawa ka na ba kaagad sa akin? O sumobra lang talaga ang galit mo?
Pinunasan ko ang mga luha ko, at tumayo sa aking silya. Pinatakan ko sya ng halik sa noo, "Mahal na mahal kita..."
-------