Him
Pagkapasok ko pa lamang sa bahay ay rinig ko na ang mga tawa ni Florencia.
She's with someone?
Agad na kumuyom ang aking mga kamao sa naisip. Dahan-dahan kong binuksan ang main door, nakita ko siya, sa couch na nakikipag-harutan sa isang... aso?
Aso o tuta? Whatever you call that.
"Bakit may aso sa bahay?", tanong ko kaya naman napaayos ng upo si Florencia at tumingin sa akin.
"A-Ah... Sorry, ayaw mo ba sa kanya? Nasa kalsada lang kasi siya saka wala akong kasama dito sa bahay, kaya kinupkop ko na", saad niya nang may ngiti sa labi.
"Tch."
Agad akong dumiretso sa kwarto. I was kind of affected of her smile. I can feel that she's kind of awkward whenever I'm around.
"Mahal na mahal kita...", narinig ko na naman ang binigkas niyang iyon. I was awake that time, the whole time she was holding my hand, her tears, how she said those words with pain.
It felt like my heart was pierced by hundreds of needles. Her hands was not that soft anymore, compared to the time I slid the wedding ring in her finger.
She never did household chores, all of her life. She said she wanted to be the best wife for her husband.
Hindi, hindi ko dapat nararamdaman to. Galit ako, galit ako dahil nakulong ako sa relasyong hindi ko kailan ginusto. Sa sobrang frustration ay tinawagan ko si Trina, kailangan kong ilabas ang galit ko.
Her
Naalimpungatan ako nang makarinig ng mga ingay sa kabilang kwarto. Bahagyang gumalaw si Cuchi, ipinangalan ko sa aso ko. Tumayo ako sa kama nang maingat, para hindi maistorbo si Cuchi.
Binuksan ko ang pinto, at mas naging malakas ang mga ingay. A bed creaking and... moans.
Kaagad na namasa ang mga mata ko. He's doing it again.
Kahit masyadong masakit ang puso ko ay binuksan ko pa rin ang pintuan ni Denver. Hindi ito naka-lock.
And there I saw it, Denver on top of someone. He was having sex with my best friend, Trina.
"Y-You hate me that much that you could sleep with my best friend, in our own house, Denver..?", I whispered but they managed to hear it.
Parehas namutla ang dalawa at agad namang nagsuot ng damit si Denver.
Itinaklob naman ni Trina ang kumot hanggang sa dibdib niya, she was just looking at me with guilt and sympathy.
Alam mong mag-asawa kami, hindi ba?
It was on the tip of my tongue but I just stayed silent.
Kahit anong galit ko, kahit anong sakit ng dibdib ko ay ang ngumiti lang nang may mga luhang tumutulo aa mukha ang nagagawa ko.
No matter how much angry I am, I cannot do anything but smile with pain. Denver doesn't love me, he never did.
Anong karapatan ko gayong isa lamang akong asawa na ipinilit pa sa kaniya?
"Flor..."
I wiped off my tears but they just continued on flowing so I just ran into my room, slammed the door not caring if I might wake up Cuchi.
Napadaus-dos na lang ako pababa sa sahig, hindi ko makayanan. Inilagay ko na sa mga labi ko ang kamay ko ngunit tuloy-tuloy pa rin ang paglabas ng hikbi.
Lumapit sa akin si Cuchi, she was making noises, as if she's trying to comfort me. Agad ko siyang niyakap at umiyak na parang bata.
------