Her
Mabigat ang mga mata ko pagkatapos non. Nahihilo rin ako dahil sa sipon. Agad akong bumaba upang paghandaan ng agahan si Denver.
Nang matapos ang ginagawa ay bumalik akong muli sa kwarto, at kinuha ang ukelele ko. Nakita ko ang pagwasiwas ng buntot ni Cuchi, parang na-amaze sya sa hawak ko, sabagay, unang beses niya pa lang ito nakita.
Agad kong isi-net ang camera ng phone ko, sinigurado kong nakakasama si Cuchi sa record.
"Hi! Say hello, Cuchi", utos ko kay Cuchi kaya naman tumahol siya. Agad akong namangha sa kanya.
Nagsimula kong kalabitin ang ukelele.
"Why do you build me up
Buttercup, baby just to let me down?
And mess me around
And the worst of all,
You never called baby when you say you will""But I love you still
I need you,
More than anyone, darling
I know that I had from the start""So, build me up
Buttercup, don't break my heart..."Tumawa ako pagkatapos at pinatay ang camera.
Him
When I got down, everything was already set. Walang Florenciang bumati sa akin ng "good morning".
My fault.
Wala pa akong gana kaya naman umakyat muna ako sa itaas, ngunit may narinig akong kumakanta sa loob, kaya naman inilapit ko ang ulo ko sa pintuan ni Florencia.
She was singing. I never knew that she could sing.
I didn't even know her hobbies, her favourites. I was focused on hating her, when I'm actually not.
Am I too late?
Biglang may kumalampag sa kwarto niya kaya naman agad ko itong binuksan. Sinalubong ng paningin ko ang walang malay na katawan ni Florencia, habang may dugong umaagos sa ilong niya.
Panic rushed through my system. Agad akong tumakbo sa kanya at binuhat ang walang malay niyang katawan papunta sa kotse. Sumunod naman ang aso niya.
I never knew that I could run fast, I just saw myself driving my car while my other hand was holding Florencia's.
----