HIM
6:00 AM, pagkagising ko pa lamang ay narinig ko na ang pagpa-plantsa ni Florencia sa business attire ko.
Ilang beses na naming pinag-awayan to, na 'wag na syang umaktong parang normal na mag-asawa kami, dahil hindi. Na huwag siyang pumapasok sa kwarto ko nang hindi ko alam, pero mapilit siya. Hindi ko na lamang siya pinansin kasi napapagod na akong makipag-talo sa kaniya.
Naramdaman niya ang paggalaw ko kaya naman nilingon niya ako, may mga ngiti kaagad sa labi niya. "Good morning, Denver!", she said trying to be jolly.
Hindi ko naman siya pinansin at dumiretso na lamang sa shower sa ibaba.
Ilang minuto akong nagbabad sa shower, tinatanggal ang antok sa sistema ko. Pagkalabas ko ay nakahanda na sa may couch ang damit ko, maging ang agahan ko ay nakahain na sa lamesa. Pinilit kong hinanap si Florencia, nasa may kitchen counter siya, inilalagay ang pinagkainang plato sa lababo.
Sa ilang linggong pagsasama namin ay alam niyang ayaw ko syang kasabay, lagi siyang nagpapa-late kumain no'n, dahil ramdam niya ang iritasyon ko sa kaniya. Ngunit iba ngayon, mas nauna siyang kumain, which I find odd. Lagi niya akong pinapauna-
Whatever. Bakit nga ba masyado akong mag-overthink dahil lang sa pagkain niya?
Her
Kanina ko pa nararamdaman ang titig ni Denver sa akin, ngunit pilit ko iyong ipinag-sawalang bahala dahil baka masabihan na naman niya ako ng kung ano-ano. Simula nang maisuot niya ang damit niya ay panay ang sulyap niya sa akin.
Haler, galit ka sa akin, remember?
Naninibago ako sa sarili ko ngayon, hindi naman ako madalas gutumin ng ganitong oras, masarap din naman ang niluto kong nilaga kagabi kaya bakit nagsusuka ako kaninang madaling araw?
Nagpakawala ako ng buntong hininga, kaya naman napatingin sa akin si Denver. Agad naman akong ngumiti at sinabing hindi na ako mag-iingay.
May kung anong dumaang emosyon sa mga mata niya, ipinag-sawalang bahala ko na lamang ulit.
Natapos na sya sa pagkain, kaya naman agad kong kinuha ang plato niya at inilagay sa lababo.
Sinundan ko sya palabas ng bahay, dumiretso siya sa garahe upang kunin ang kotse habang dumiretso na ako sa gate at ipinagbukas sya.
"Take care, Denver! I love you!", kaway ko.
Bago pa man ako makapasok sa bahay ay may nakita akong tutang natutulog sa tabi ng gate namin.
Agad akong kumuha ng hindi ginagamit na lalagyanan ng ice cream at nilagyan ito ng kanin at tirang corned beef.
Sumipol ako upang gisingin ang aso at nang magising ito ay umatras ito sa palayo sa akin. Nginitian ko ito at inilapag sa lapag ang pagkain. Unti-unti itong lumapit at kumain.
Nang matapos ito ay tumingin ito sa akin, kinuha ko ang tyansang yon para bigyan siya ng headpats. Agad naman nitong nagustuhan kaya binuhat ko ito kasama ang lalagyan papasok sa bahay.
-----