Chapter 3 (Nightmare)

48 4 0
                                    

December 29, 2001
Almost 12 midnight.

Sobrang lakas ng ulan. Madilim ang paligid. At sunod-sunod ang pagkulog at pagkidlat.

Para sa isang bata, sobrang nakakatakot yun.

Pero hawak ng kanyang ina ang kamay nya habang nakasilong sila sa harap ng isang music store.

Tiningnan niya ito. At ngumiti ito sa kanya.

Madilim pero kitang kita nya ang mukha nito.

"Giniginaw ka?" Sabi nito habang pinapainit ang isa nyang kamay.

Umiling sya.

"Hindi po".

Aksidenteng nahulog nya ang bola na nasa kabila nyang kamay. At gumulong ito sa kalsada...

Kukunin na sana ng bata ang bola pero pinigilan sya ng kanyang ina.

"Dyan ka lang, ako na ang kukuha". Sabi sa kanya ng mama nya.

Binuksan nito ang payong. At lumakad para kuhanin ang bola...

Pero biglang may natanaw ang bata na  kotse papunta sa kinaroroonan ng kanyang ina... mabilis... sobrang bilis!!

"Mama!!!"

Sigaw nya habang tumatakbo ang bata palapit sa kanyang ina!

_______

Jiro's POV"

Nagising akong pawis na pawis. Nahihirapan akong huminga.

Binangungot na naman kasi ako. Napanaginipan ko na naman yung pagkamatay ni mama 20 years ago.

7 years old lang ako noon pero tandang tanda ko pa rin ang mga pangyayari... yung bola... si mama...

Kasalanan ko. Tama si uncle. Kasalanan ko...

"Kasalanan mo!! Namatay sya dahil sayo!! Kung hinawakan mo lang ng mahigpit yung bola. Sana buhay pa ang mama mo hanggang ngayon!! Kasalanan mo yun jiro!!"

Tama si uncle. Kung hinawakan ko lang sana ng mahigpit yung bola... edi sana hindi gumulong sa kalsada... Sana buhay pa si mama. Sana!!

"Kasalanan ko..!! Kasalanan ko yun!"

Nag umpisang bumagsak ang mga luha ko. Ayokong umiyak pero ayaw tumigil ng luha ko.

Nahihirapan na akong huminga...Kaya inirelax ko ang isip ko at pinunasan ang mga luha ko..

Saturday ngayon Day off ko. Secretary ako ng CEO ng isang company. Ako si Jiro Kramer.

I used to live a luxurious life. Pero nalugi ang kompanya namin nung 7 years old palang ako. Namatay ang papa ko dahil sa sakit... ilang linggo lang ang nakalipas mula non ang mama ko naman ang binawian ng buhay..

Tiningnan ko ang oras.
10:34  na.

Tanghali na pala.

Nakaramdam ako ng gutom. kaya bumangon na ako para mag almusal..

Pero wala na akong kape!

Sa dami ng makakalimutan kong bilin kape pa talaga nakalimutan ko!!

Pero mabuti nalang at malapit lang ako sa coffee shop.. kaya dun nalang ako bibili..

Walking distance lang yun.

"Isang Iced Americano. Take out, please" sabi ko sa babaeng nasa counter

"Pangalan sir?"

"Jiro"

"Okay sir, pakiwait na lang po"

Dreams to Reality Book 1Where stories live. Discover now