Chapter 1

63 5 0
                                    

7:15 ng umaga ng magising ako!

Agad akong napatingin sa paligid dahil napanaginipan ko ang isang tao..

At oo tama ako, nasa ibang lugar nanaman ako at siguro bahay nya to..

Napanaginipan ko kasi yung lalakeng nakita ko kahapon na nagbabasketball.

wala kasing tigil sa kakabanggit ng pangalan nya yung kaibigan kong baliw na baliw sakanya.

Nagising ako na naka higa sa loob ng kwarto nya.. pero hindi ako natutulog sa higaan nya, dahil nandito ako sa lapag habang feel na feel yung pag hilata..

Agad naman akong napatakip ng ilong dahil may masangsang akong  naamoy at nanunuot yung baho sa ilong ko!!

grabe ang sakit sa ulo!!

"kadiri! ano ba yung amoy na yun?"

Mahinang sabi ko sa sarili ko habang tinatakpan ko yung ilong ko..

Tumingin ako sa paligid at nakita ko yung pares ng medyas nya na malapit sa muka ko..

napa bangon tuloy ako mula sa pag kakahiga ko dahil hindi ko matagalan yung amoy..

Habang naka tayo ako inangat ko ng bahagya yung ulo ko para silipin yung muka nya at tinignan kung natutulog pa sya.

Omoh!!

tinakpan ko agad yung mata ko nung makita kong wala syang suot na damit at habang natatakpan ng kumot yung kalahati ng katawan nya..

Grabe?? Naka hubad syang matulog?? As in walang suot na kahit na ano??? Pero bakit naman ganon?

Iginala ko yung mata ko pero hindi sa katawan nya kundi dito sa kwarto nya..

Hayst Yhuna!! Sa dami ng bahay na napasukan mo heto na ata yung pinaka malala..!!

Grabe muka syang hindi nag lilinis ng kwarto, I mean hindi talaga..

kalat kalat yung damit nya sa baba at puro balat ng pinagkainan at pati underwear nya nasa higaan..

napatigil ako nung biglang magising yung aso na katabi nya sa pagtulog. At nag simula na yun tumahol..!!

Nakita kong kumilos yung lalake at halatang malapit na syang magising kaya sa taranta ko agad kong na dampot yung underwear nya at sinaklob ko yun sa muka ko..

sa magkabilang butas dun ko sinilip yung mga mata ko para makakita ako..

Goshh!! I didn't expect na gagawin koto sa buong buhay ko.. well ikaw ba naman yung mag saklob sa ulo mo ng gamit na undies ng ibang tao..

My Gosh Yhuna!! Kadiri ka!! SOBRAA!

Pag dilat naman ng mga mata nya agad syang napasigaw sabay hawak nya sa kumot para takpan yung katawan nya..

"Sino ka? Magnanakaw kaba? Killer?? Kidnapper??"

Wika nya habang tinignan nya ako na parang nakakita sya ng multo..

Magnanakaw? Grabe muka ba akong may nanakawin sa bahay nya eh mukang tambakan ng basura.. killer? Kidnapper? As if naman na may makukuha ako sakanya pag ginawa ko yun diba?'

"TEKA.! b-brief koba yan??"

gulat na gulat sya at nakaturo pa yung kamay nya sa brief nya na nasa ulo ko..

Sa lagay kong toh, ngayon ko lang naisip na muka pala akong manyak sa dami ng pwede kong ipantaklob sa muka ko hetong undies nya pa yung ginamit ko..

Dreams to Reality Book 1Where stories live. Discover now