Kyler POV"
Katatapos lang ng meeting namen at nag ddrive si jiro ngayon pabalik sa kumpanya..
Hi I'm Kyler Alfaro. 27 years old mayaman at CEO ng Kumpanya..
actually hindi ko naman talaga pinangarap na magkaroon ng kumpanya..
Ang pangarap ko talaga, maging simpleng tao na may simpleng buhay.
Pero ako ang nandito dahil ang nakababata kong kapatid hindi pa sya handa para hawakan ang kumpanya..
Mag isa lang akong nakatira sa malaking bahay.. ang parents ko nasa ibang bansa kasama ang bunso kong kapatid..
May negosyo din kasi kame don kaya ako yung naiwan dito para sa kumpanya..
Actually ang hirap pag mag isa sa bahay.. halos ang kausap ko lang yung mga halaman.. yung vaccume.. at ang sarili ko..
Halos minsan feeling ko mababaliw nako dahil mag isa lang ako sa malaking bahay na yun..
Gusto ko ng kasama!! Pero sino?
Ah teka.? ano kaya kung...
Tinignan ko si jiro na nag ddrive ng kotse..
"Jiro gusto mong matulog sa bahay ko?"
Napa hawak ako sa pinto dahil biglang gumewang yung kotse.
Napa buntong hininga nalang ako, akala ko maaksidente na kame..
"H-ha?? A-ano po Sir?"
Utal utal na sabi ni jiro..
"Ah hindi wala"
Hayst Bakit parang nagulat sya.? Ano ba mali sa sinabi ko?
Kasama sa bahay lang naman ang kailangan ko.. naiinggit tuloy ako sa iba..
Gusto ko maging normal kagaya ng nila, yung nagagawa nila yung gusto nila!!
Pero ako, hindi ko magawa yung gusto ko dahil puro trabaho!! trabaho!! trabaho!!
Nakaka pagod.. Gusto ko ng pahinga kahit isang araw lang!! Yung Beach.. Yung Dagat.. Yung..!?
Ah Teka??..
Ano kaya kung mag relax ako kahit 1 day lang? Pero mahirap naman kung mag isa lang ako.. gusto ko talaga ng kasama..
Ahh tama..!!!
"Ah teka what if mag company outing tayo?"
Nagulat si jiro sa sinabi ko at napangiti sya..
"Hm maganda po yan, kelan po?"
Ahh kelan nga ba maganda?? Gusto ko next week na..
"Saturday Day off mo, Sunday nalang.. humanap ka ng magandang location, gusto ko sa beach"
"Okay Sir"
Ahh grabe na eexcite ako.. bakit ba kasi ngayon ko lang naisip to??
Bata pa ako nung huling beses akong napunta sa dagat.. nakakamiss tuloy!!
Tunog ng alon ng dagat, simoy ng hangin at payapang kapaligiran..
Bawas stress..
Napanganga nalang ako nung may madaanan kameng lalakeng nag kakape.
Napa hawak tuloy ako sa tiyan ko.. nakaramdam ako ng gutom.. parang bigla akong nag crave sa kape..!
Ano kaya kung mag kape muna ako bago bumalik sa company?
YOU ARE READING
Dreams to Reality Book 1
Ciencia FicciónBinago ng isang panaginip ang pagkatao nya.. ano nga ba ang kanyang gagawin kung napupunta sya sa lugar na napapanaginipan nya? At ano nga ba ang connection ng panaginip nya sa lalakeng dahilan ng nangyayare sakanya? Start: May 11 2021 End: I hope...