Yhuna POV"Bago kame umuwi ni jiro dumaan muna kame sa simenteryo.. sabi nya kasi may dadalawin lang daw sya saglit..
Sinusundan ko lang si jiro hanggang tumigil sya sa pag lakad.. at humarap sa puntod..
Sino ba ang dinalaw nya dito at bakit kanina pa sya tahimik?
"Ma.. Pa.."
Nagulat ako nung mag salita sya..
parents nya pala ang dadalawin nya? So wala na pala syang mga magulang?
Kaya siguro nakatira lang sya sa maliit at simpleng bahay kasi mag isa nalang sya..
Agad akong napatingin sa langit nung may ulan na pumatak sa akin at nag sisimula na yung lumakas..
"Sumilong muna tayo.." wika nya
Tumango ako bilang tugon at tumakbo kame papunta sa isang kubo malapit don.
Umupo kame sa gilid kung saan tanaw namen ang malakas na buhos ng ulan.. at napansin ko si jiro na tulala lang na parang ang lalim ng iniisip..
Kaya pinili ko nalang ding manahimik.. paniguradong ngayon malungkot din sya..
Jiro POV"
Umuulan nanaman.. lagi akong mag isa pag nangyayare to pero ngayon kasama ko si sya.. Si Day Dreamer.
Tinignan ko sya at nakita kong naka pikit sya.. siguro pinakikinggan nya ang pag patak ng ulan..
Habang tinitignan ko sya na c-curious tuloy ako sa pagkatao nya..
Ano kaya feeling na mapunta sa kalagayan nya??
"Hoy Day Dreamer"
Minulat nya ang mga mata nya at tumingin saken na naka kunot ang noo
"Yhuna! Yhuna! Yhuna!"
Inulit ulit nya pang sinabi yung pangalan nya..
Siguro naiirita na sya sa pag tawag kong day dreamer sa kanya.. cute naman ah baket ba? Haha
"Curious ako, hindi kaba natatakot every time na napupunta ka sa lugar na napapanaginipan mo?
Bigla syang naging seryoso at napa tingin lang sya sa pag patak ng ulan..
"Hmm nung una, hindi.. kasi 7 years old lang kasi ako nung unang beses akong napunta sa lugar na napapanaginipan ko.. at sa bubong ng bahay sa kulungan ng aso namen at ibat ibang parte ng bahay lang ako napupunta noon... Kaso habang tumatagal at habang nadadagdagan yung edad ko dun nadin namen napapansin na kapag tao ang napanaginipan ko napupunta ako sa lugar kung nasan ang tao na yun."
Ang astig talaga!! Nakakapag teleport sya dahil sa panaginip nya..
Pero bakit napupunta sya kung nasan ako kapag iniisip ko lang sya? Nakakapag teleport ba sya dahil konektado kameng dalawa??
"Alam mo nagtataka ako kung pano ako napupunta sa lugar kung nasan ka kung hindi naman kita napapanaginipan.."
"Ha? Ah oo nakakapag taka nga yun"
Sasabihin koba sakanya na napupunta sya sa lugar kung nasan ako kapag iniisip ko sya.?
Kaso baka kung ano isipin nya! Ang awkward naman kung sasabihin kong iniisip ko sya..
"Pero alam mo jiro nangyare na din saken yun dati.. highschool ako nung unang beses akong napunta sa bahay ng isang lalake na halos ka idad ko lang.. halos araw araw napupunta ako dun.. hindi rin ako nanaginip ng kahit na ano basta pag gising ko nandun nako..tulog pa sya everytime na napupunta ako sa bahay nya kaya hindi nya alam.. at nung time na hindi nako napupunta sa bahay nya, dun na nag start na mapunta ako sa bahay ng taong napapanaginipan ko."
YOU ARE READING
Dreams to Reality Book 1
Science FictionBinago ng isang panaginip ang pagkatao nya.. ano nga ba ang kanyang gagawin kung napupunta sya sa lugar na napapanaginipan nya? At ano nga ba ang connection ng panaginip nya sa lalakeng dahilan ng nangyayare sakanya? Start: May 11 2021 End: I hope...