Chapter 8

166 9 5
                                    

Kobie 

Nabusog ako, ansarap ah. Ngayon lang uli ako na satisfy ng ganito. Iba pala pag kasama mo ang mahal mo habang kumakain.

Lalo na yung cake, pano ba naman, ibinigay pa kasi ni Andi sa akin yung sa kanya. 

Ayaw niya na daw kainin yung cake dahil sa pinagsasabi ko kanina.

Kung alam ko lang, kilig na kilig siya sa mga hirit  ko. Kaya mas lalo ko siyang inasar pa. 

Pasalamat siya andun sila Manang at Denden kung hindi lagot siya sa akin talaga.

Ang cute niya kasi pag naiinis na. Namimiss ko yung tingin niya sa akin na kami lang dalawa ang nag kakaintindihan. 

Ang saya lang namin habang nakatingin si Manang. Nag tataka na sigurp siya sa amin lalo na nung inapakan ni Andi ang paa ko.

PAgkatapos naming magharutan ng pasimple, I mean ako lang pala ang humarot , naging seryoso ulit ang usapan.

Napunta ang topic namin sa sakit ng ulo niya pero hindi niya sinagot ang tanong ko at ayaw niya banggitin. Gusto ko sana tumulong pero mukhang hindi pa siya handa na sabihin sakin. Which is okay lang naman sa akin. 

Sino ba naamn ang mag sasabi agad diba? Pagkatapos ng 3 years, ngayon lang uli kami nagkita. 

Thats why I didnt expect na magiging madali naman lahat, lalo na sa part ni Andi. Nasaktan ko siya ng hindi sinasadya. 

Kaya I always have these reminders with me pag dating kay Andi.

The truth about dun sa nangyaring break up namin threee years ago. 

Yung mga naganap na pag uusapa bago kami nag hiwalay. 

Ako ang umayaw. 

Ako ang nang iwan.

Ako ang may kasalanan. 

Kaya ako ang dapat magpaliwanag ngayon. 

Mga bagay na dapat kung gawin if I want to win her back and her heart. 

Pero bakit hindi niya ako maalala?

Gaanon ba ako kadaling makalimutan?

Dahil sa inis ko, Sinabi ko sa kanya na were more than friends. That I was his favorite person before.

Kulang na nga lang sabihin ko na ako yung mahal niya, noon. 

Nope, hindi pa rin daw niya ako maalala. 

Halikan ko kaya siya?

I challenged her na lang to give me a chance so I can show her how closed we used to be. Mukha namang pinag isipan niya ito. 

==========================

Nag decide na rin silang umuwi kasi inaantok na si Denden. Mapungay na nga ang mata niya and tahimik na. Hindi na makulit, nasa stroller siya ngayon at tulak tulak ni Manang.

"Its her nap time na. Tapos napagod din sa sobrang excitement dahil birthday nga niya" sabi ni andi. 

Syempre I insisted na ihatid ko sila. Ayaw ko pang maghiwalay kami ni Andi. 

"hatid ko na kayo ha. wala naman akong gagawin pa." sabi ko kay andi

"Hindi na, thankyou. Meron naman akong car. Alangan naman mag convoy pa tayo." sabi niya

I scratched my head. Wala nga pala akong car. Sumakay lang ako kila Ralph and Amanda kanina tapos iniwan ko na sila. 

Speaking of. Tumunog ang phone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko ito. He's calling me and I saw text messages from him.

Im Finally YoursWhere stories live. Discover now