Kabanata 3

15 0 0
                                    

Kabanata 3: Sa Dormitoryo

Hindi ko mawari.

Nakarating na rin ako sa wakas. Ang kaso, dis oras na ng gabi. Nakasarado ang gate ng akademya. Kaya nagtungo ako sa may guard house at saka kumatok sa may bintana.

 Kaya nagtungo ako sa may guard house at saka kumatok sa may bintana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sobrang dilim na ng paligid. Sa totoo lang, medyo kinikilabutan ako. Pakiramdam ko ba eh may kung anong bubulaga sa akin mula sa kadiliman. Napangiwi ako sa naisip ko.

Dumating ang guwardiya at saka ko pinakita ang imbitasyon.

"Oh! Andito ka na pala! Ba't ngayon ka lang nakarating? Alas-onse na ng madaling araw ah!"

Mahabang istorya, manong.

Mukha na ata akong zombie,  nakatulala na para bang wala sa sarili. Maihahambing ko na yata ang sarili ko sa mga matatanda na nakaranas ng digmaan, pagod at para bang may dinaramdam na paghihirap na naranasan noong kabataan.

Hindi ko pa rin malimutan ang nangyari kanina.

Matapos kong magpagamot ay saka naman kami tinanong isa-isa ng mga pulis. Anong oras na nung pinalaya na rin kami sa wakas. Akala ko 'di na kami papakawalan pa.

Napabuntong-hininga nanaman ako.

"Oh siya, sige. Halika na sa loob. Kanina ka pa hinihintay ng mga tao d'on."

Lumabas sa guard house si manong, dala-dala ang flashlight at saka nagsimulang maglakad papunta sa tutuluyan ko.

Kapkap ko ang mga kagamitan ko.

Medyo hinihingal na ako.

Para na akong aso na nakalawit na ang dila sa sobrang pagod.

May pasikot-sikot pa kaming pinagkakagawa at sa wakas ay natunton na rin namin ang dormitoryo.

"Oh, dito na 'ko ha? Babalik na ako dun sa guard house." Iniwan na ako ng guwardiya sa may pintuan. Tinanguan ko na lang si manong. 'Di ko na kayang magsalita sa pagod.

Huminga nanaman ako ng malalim. Ilang beses na ba akong napabuntong-hininga ngayong araw?

Pumasok na ako sa dormitoryo. Tiningnan ko ang mapa na nakapaskil sa may pader at saka tinunton ang opisina.

Kumatok muna ako sa may pintuan.

"Pasok~" Tugon ng nasa loob.

Pumasok ako sa loob at saka ko sinara ang pinto sa likod ko. May ginang na sumalubong sa akin.

"Hi~ You must be Michael Christian Pelayo, right? Kanina ka pa namin hinihintay ah. Hinayaan ko na yung iba na bumalik sa mga kani-kanilang mga kuwarto." Sambit niya sa akin.

"Ah, pasensya na ho. May nangyari po kasi kanina kaya po ako natagalan." Nanghihina kong sambit. Sino ba namang magtatangkang mag-isip na mapapasangkot ako sa krimen ngayon?

Ang Crush Kong FujoshiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon