Intermission

9 0 0
                                    

Bumalik muna tayo ng mga ilang oras bago nagkakilala sila Michael at ang tatlong mayuyuming mga binibini.

5:50 A.M.

May tatlong babae nagpulong-pulong sa isang kuwarto.

"Listen girls. Kailangan na 'tin ma-recover ang mga stuff na 'tin, okay? Delikado na kung makita niya yun." Bulong ni Mayuri sa dalawa niyang kaibigan.

"Baka ikaw lang. Alalahanin mo, ikaw lang ang may kakaibang hobby kumpara sa amin ni Car'l."  Mataray niyang daing kay Mayuri.

"Please girls, puwede bang 'wag na na 'tin ituloy? Medyo kinakabahan ako eh." Halos magmakaawa na si Carol.

Pumasok na sila sa loob ng kuwarto at saka dahan-dahang nagtungo sa mga kagamitan nila. Sisimulan na sana nila ang pagbabalot nang nakita nila na may lalaki na natutulog sa may kama.

"Oh no! Andito na pala siya! Akala ko 'di pa siya darating!" Napasinghap si Mayuri.

"See, I told you Maruya! This was a bad idea!" Bira naman ni Dianne.

"What do you mean 'bad idea'?! Ikaw rin kaya, you agreed to this!" Umangal si Mayuri.

"That's only because you told us na 'di pa siya nakarating!" Katwiran ni Dianne.

"Oo nga, hindi pa nga siya nakarating kagabi noong naghintay ako kasama si Ms. Hilda. Look oh! Halos magmukha na nga akong panda kakahintay!" Giit naman ni Mayuri.

"Please girls! Magigising talaga siya sa atin at this rate!" Nagmamakaawang saad ni Carol.

May narinig silamg mahinang ungol. Sabay-sabay silang napabaling sa may tunog at nakita nila ang bago nilang dorm mate.

Mukhang gising na ang lalaki at dali-dali siyang nagsalita mag-isa. Napakinig naman ng wala sa oras ang tatlo.

*~*~*~*~*

Nung umalis na ang lalaki para mag-ayos ay saka naman silang nagmadaling kunin ang mga gamit nila, lalong-lalo na si Mayuri.

Pinagsusupot nila lahat at pinagsasaksak ang mga kagamitan nila na nakatambak sa kuwarto.

Saka naman nila binuksan ang secret laundry hatch at doon na nila pinagtata-tapon ang mga naisupot nilang kagamitan.

"Ire-recover na 'tin lahat mamayang gabi, okay?" Bulong ni Mayuri sa dalawa.

"Yeah, yeah. We know. Paulit-ulit na lang ba Maruya?" Mukhang punong-puno na si Dianne.

Nagulat ang lalaki na naroon pa ang tatlo nung pagkabalik niya. Tinanong niya ang tatlo kung may kailangan pa sila sa kuwarto na dali namang tumugon si Mayu na para maibsan ang suspetya ng binata sa kanila, ngunit mas lalong lumalim lamang ang kutob ng binata.

"Oo nga pala, sabay na tayong bumaba ng makapag-almusal at mabisita si Miss Hilda." Anyaya ng binata sa kanila.

"Oh. Looks like someone's got a crush on Ms. Hilda." Ngising asar naman ni Dianne.

Napasimangot ang binata sa asar sa kanya na ikinatuwa naman ni Dianne.

'Who would've thought. It's fun to tease this newblood.' May bago nanaman siyang lalaruin.

Hindi nila alam na hindi magaling sa Ingles ang binata.

Ang Crush Kong FujoshiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon