Kabanata 5

7 0 0
                                    

Kabanata 5: Busted

"Oh by the way. Since when did the four of you get acquainted?" Tanong ni Ms. Hilda.

"Uhh-" Napakamot sa pisngi si Mayuri.

"M-Miss- That is..." Kinakabahang giit ni Carol.

"Sa kuwarto ko po miss." Wala sa wisyo kong sagot.

Kasing talim ng kutsilyo ang mga mata ni Dianne. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang patay na ako.

Nawala ang ngiti sa labi ni Ms. Hilda.

"Now that is... Unlady-like. Moreover, downright rude." At saka nagsimulang magsermon si Ms. Hilda habang hinayaan niya akong mag-almusal muna.

Para bang mga maaamong tupa ang tatlo- este- yung dalawa lang pala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Para bang mga maaamong tupa ang tatlo- este- yung dalawa lang pala. May isa na tahimik ngunit matalim pa rin na nakatingin sa akin ang isa na may halong busangot sa kanyang mukha.

Halos di ko na malunok ang aking kinakain sa sariling pagsisi, ni hindi ko na nga nalasahan. Dapat siguro 'di ko na sinabi, kaso wala pa ako sa tamang wisyo.

Pasensya na, kababaihan.

*~*~*~*~*

Matapos kong kumain ng hindi masayang almusal ay saka na ako nag-ayos ng aking sarili para kunin ang mga kakailanganin ko sa simula ng aking pag-aaral.

Paglabas ko ng aking kuwarto ay saka naman tumambad sa akin ang nakasimangot na si Dianne.

"Oi, what's the big idea, snitching on us a while ago?" Giit niya sa akin.

Napatulala ako sa kanya ng wala sa oras.

'Ingles...'

"Hey! Kinakausap kita!" Naku! Lalo pa siyang nagalit.

"Ah- Uh- I- I- no good- English-" Jusko! Kung sino man, tulong! Parang awa niyo na!

Napataas ang kilay ni Dianne sa bali-baliko kong Ingles.

"Oh, you don't speak English huh? You really are from the sticks." Patutsada niyang sambit. Kahit 'di ako marunong mag-Ingles, naiintindihan kong kinukutya mo na ako ngayon. Napasimangot ako.

"What I mean is- Bakit mo kami sinumbong kay Ms. Hilda kanina?" Mataray niyang tanong, may pamewang pa siya.

"Ah, 'yun ba? Pasensya na, 'di ko talaga sinasadya. Wala talaga ako sa wisyo, lalo na pag sa umaga." Napakamot ako sa akiing batok. Sinseridad akong humingi ng tawad.

Napatigil naman si Dianne. Hindi niya siguro na-asahan na hihingi ako ng tawad.

"H-Hmph! Don't think just 'cause you apologized doesn't mean I'll forgive you!" Huh?! Ano daw?! Dianne, Tagalog! Parang awa mo na!

Ang Crush Kong FujoshiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon